Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 18

Mga Gawa 18:6-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Nang hindi sumang-ayon ang mga Judio at siya ay nilait, pinagpag ni Pablo sa kanila ang kaniyang kasuotan at sinabi sa kanila, “Ang inyong dugo ay sumainyong sariling mga ulo; wala akong kasalanan. Simula ngayon sa mga Gentil na ako pupunta.”
7At siya ay umalis at nagpunta sa tahanan ni Ticio Justu, isang lalaking sumasamba sa Diyos. Ang kaniyang tahanan ay nasa tabi ng sinagoga.
8Si Crispo na namumuno sa sinogoga at lahat sa kaniyang sambahayan ay nanampalataya sa Panginoon. Marami sa mga taga-Corinto na nakarinig kay Pablo ay nanampalataya at nabautismuhan.
9Isang gabi sinabi ng Panginoon kay Pablo sa isang pangitain, “Huwag kang matakot, kundi magsalita ka at huwag kang manahimik.
10Dahil kasama mo ako, at walang sinumang magtatangkang manakit sa iyo, dahil marami akong tao sa lungsod na ito.”
11Tumira doon si Pablo ng isang taon at anim na buwan, Nagtuturo ng salita ng Diyos sa kanilang kalagitnaan.
12Ngunit nang si Galio ay naging Gobernador ng Acaya, sama-samang nag alsa ang mga Judio laban kay Pablo at dinala siya sa harap ng hukuman;
13sinabi nila, “Ang lalaking ito ay nanghihikayat sa mga tao na sumamba sa Diyos na labag sa batas.”
14Ngunit nang magsasalita na si Pablo, sinabi ni Galio sa mga Judio, “kayong mga Judio, kung totoo man na ito ay tungkol sa isang pagkakamali o isang krimen, nararapat lamang na harapin ko kayo.
15Ngunit dahil ito ay mga katanungan lamang tungkol sa mga salita at mga pangalan at sarili ninyong batas, lutasin ninyo ito sa inyong mga sarili. Hindi ko gustong maging hukom ng mga bagay na ito.”
16Pinaalis sila ni Galio sa hukuman.
17Kaya sinunggaban nila si Sostenes na pinuno ng mga sinagoga at binugbog siya sa harapan ng hukuman. Ngunit hindi pinansin ni Galio ang kanilang ginawa.
18Matapos manatili doon ni Pablo ng marami pang mga araw, iniwanan ang mga kapatid at naglayag papunta ng Siria kasama sina Priscila at Aquila. Bago siya umalis sa daungan ng Cencrea, ipinaahit niya ang kaniyang ulo dahil sa kaniyang panatang Nazaro.
19Nang dumating sila sa Efeso, iniwan niya sina Priscila at Aquila doon, ngunit siya mismo ay nagpunta sa sinagoga at nangatuwiran sa mga Judio.
20Nang tanungin nila si Pablo na manatili pa ng mas mahabang panahon, tumanggi siya.
21Ngunit ng siya ay paalis na, sinabi niya, “Babalik akong muli sa inyo kung kalooban ng Diyos.” Kaya siya ay naglayag mula sa Efeso.

Read Mga Gawa 18Mga Gawa 18
Compare Mga Gawa 18:6-21Mga Gawa 18:6-21