Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 18

Mga Gawa 18:21-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
21Ngunit ng siya ay paalis na, sinabi niya, “Babalik akong muli sa inyo kung kalooban ng Diyos.” Kaya siya ay naglayag mula sa Efeso.
22Nang makadaong si Pablo sa Caesarea, umakyat siya at binati ang iglesia sa Jerusalem at pagkatapos ay bumaba siya sa Antioquia.
23Pagkatapos niyang manatili doon ng ilang panahon, umalis si Pablo at nagpunta sa mga rehiyon ng Galatia at Phyrgia at pinalakas ang lahat ng mga disipulo.
24Ngayon, may isang Judio na nagngangalang Apollos na ipinanganak sa Alexandria, ang nagpunta sa Efeso. Mahusay siyang mangusap at bihasa sa mga kasulatan.
25Naturuan si Apollos sa mga katuruan ng Panginoon. Sa pagiging maalab sa espiritu, nagsalita siya at nagturo nang wasto tungkol sa mga bagay ukol kay Jesus, ngunit tungkol lamang sa baustismo ni Juan ang kaniyang nalalaman.
26Nagsimulang magsalita si Pablo nang may katapangan sa sinagoga. Ngunit nang marinig siya nina Priscila at Aquila, kinaibigan nila siya at ipinaliwanag sa kaniya ang paraan ng Diyos ng mas mabuti.
27Nang ninais niyang dumaan sa Acaya, pinalakas ng mga kapatiran ang kaniyang loob at sumulat sa mga disipulo sa Acaya upang siya ay tanggapin. Nang dumating siya, tinulungan niya ng labis ang mga nanampalataya sa pamamagitan ng biyaya.

Read Mga Gawa 18Mga Gawa 18
Compare Mga Gawa 18:21-27Mga Gawa 18:21-27