Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 17

Mga Gawa 17:7-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7Itong mga lalaking tinanggap ni Jason ay sumasalungat laban sa mga kautusan ni Ceasar; sinasabi nilang mayroong pang ibang hari - si Jesus.”
8Nang marinig ng karamihan at ng mga pinuno ng lungsod ang mga bagay ito, sila ay nabagabag.
9Pagkatapos nilang makuha ang perang pambayad mula kay Jason at sa kasamahan niya pinalaya na nila sila.
10Nang gabing iyon pinapunta ng mga kapatid sina Pablo at Silas sa Berea. Nang makarating sila roon, nagpunta sila sa sinagoga ng mga Judio.
11Ngayon ang mga taong ito ay mas matalino kaysa sa mga taga Tesalonica, dahil tinanggap nila ang salita nang may kahandaan ng isip, nagsasaliksik ng mga kasulatan araw araw, upang makita kung ang mga bagay na ito ay totoo.
12Kaya naman marami sa kanila ang nanampalataya, kabilang ang ilang mga kilalang kababaihang Griego at maraming kalalakihan.
13Ngunit nang mapag-alaman ng mga Judio na taga Tesalonica na nagpapahayag si Pablo ng Salita ng Dios sa Berea, nagpunta sila doon at niligalig at ginulo nila ang mga tao.
14Pagkatapos, agad - agad na pinapunta ng mga kapatid si Pablo papunta doon sa dagat, ngunit nanatili sina Silas at Timoteo doon.

Read Mga Gawa 17Mga Gawa 17
Compare Mga Gawa 17:7-14Mga Gawa 17:7-14