Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 17

Mga Gawa 17:29-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
29Dahil tayo ay anak ng Diyos, hindi natin dapat isipin na ang pagkadiyos ay tulad ng ginto o pilak o mga batong nilikha ng kaisipan ng tao.
30Kaya nga, pinalampas ng Diyos ang panahon na hindi siya kinilala, ngunit ngayon inuutusan niya ang lahat ng mga tao sa lahat ng dako na magsisi.
31Ito ay dahil itinakda na niya ang araw kung kailan niya hahatulan ang mundo sa katuwiran sa pamamagitan ng taong kaniyang pinili. Pinatunayan ito ng Diyos sa lahat ng tao, sa pamamagitan ng pagbuhay sa kaniya sa mga patay.”
32Ngayon nang marinig ng mga kalalakihan ng Atenas ang tungkol sa muling pagkabuhay sa mga patay, kinutya ng iba si Pablo; ngunit sinabi ng iba, “Pakikinggan ka naming muli tungkol sa mga bagay na ito.”
33Pagkatapos niyon, iniwan sila ni Pablo.
34Ngunit may ilang mga lalaking sumama sa kaniya at nanampalataya, kabilang si Dionisio na Areopagita, isang babaing nagngangalang Damaris at iba pang kasama nila.

Read Mga Gawa 17Mga Gawa 17
Compare Mga Gawa 17:29-34Mga Gawa 17:29-34