Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 17

Mga Gawa 17:23-33

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
23Sapagkat sa aking pagdaraan at pagmamasid sa mga bagay na inyong sinasamba, natagpuan ko ang isang altar na may naka-ukit na ganito, “SA DIYOS NA HINDI NAKIKILALA”. Ang sinasamba ninyo na hindi nakikilala ang aking ipinapahayag sa inyo.
24Ang Diyos na lumikha ng mundo at ng lahat ng naroon, dahil siya ang Panginoon ng langit at lupa, ay hindi nananahan sa mga templo na itinayo ng mga kamay.
25Hindi rin siya pinagsilbihan ng mga kamay ng tao, na para bang kailangan niya ang anuman, dahil siya mismo ang nagbigay ng buhay sa tao at hininga at lahat ng iba pang mga bagay.
26At mula sa isang tao ay nilikha niya ang bawat lahi ng mga taong nabubuhay sa ibabaw ng mundo, itinakda niya ang kanilang mga kapanahunan at ang hangganan ng kanilang tinitirahan.
27Kaya nga dapat nilang hanapin ang Diyos at baka sakaling maabot siya at matagpuan at sa katunayan, hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.
28Dahil sa kaniya tayo ay nabubuhay at gumagalaw, at mayroong pagkatao, gaya nga ng sabi ng inyong mga makata, 'Dahil tayo rin ay kaniyang anak.'
29Dahil tayo ay anak ng Diyos, hindi natin dapat isipin na ang pagkadiyos ay tulad ng ginto o pilak o mga batong nilikha ng kaisipan ng tao.
30Kaya nga, pinalampas ng Diyos ang panahon na hindi siya kinilala, ngunit ngayon inuutusan niya ang lahat ng mga tao sa lahat ng dako na magsisi.
31Ito ay dahil itinakda na niya ang araw kung kailan niya hahatulan ang mundo sa katuwiran sa pamamagitan ng taong kaniyang pinili. Pinatunayan ito ng Diyos sa lahat ng tao, sa pamamagitan ng pagbuhay sa kaniya sa mga patay.”
32Ngayon nang marinig ng mga kalalakihan ng Atenas ang tungkol sa muling pagkabuhay sa mga patay, kinutya ng iba si Pablo; ngunit sinabi ng iba, “Pakikinggan ka naming muli tungkol sa mga bagay na ito.”
33Pagkatapos niyon, iniwan sila ni Pablo.

Read Mga Gawa 17Mga Gawa 17
Compare Mga Gawa 17:23-33Mga Gawa 17:23-33