Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 17

Mga Gawa 17:15-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Dinala si Pablo ng mga naghatid sa kaniya hanggang sa lungsod ng Atenas. Nang sila ay papaalis na doon, nagbilin sa kanila si Pablo, na papuntahin sina Silas at Timoteo sa kaniya sa lalong madaling panahon.
16Ngayon habang nag-aantay si Pablo sa kanila sa Atenas, nabagabag ang kaniyang espiritu nang kaniyang makita na ang lungsod ay puno ng mga diyus-diyosan.
17Kaya nangatwiran siya sa mga Judio sa sinagoga at sa mga sumamba sa Diyos at maging sa mga nakikipagkita sa kaniya sa pamilihan araw-araw.
18Ngunit mayroong din mga pilosopong Epicureo at Estoico na kaniyang nakaharap. At may mga nagsabi, “Ano ang nais sabihin ng madaldal na ito?” sabi ng iba, “Parang mangangaral siya ng ibang diyos,” dahil nangangaral siya tungkol kay Jesus at nang muling pagkabuhay.
19Dinala nila si Pablo papunta sa Areopago na sinasabing, “Maaari ba naming malaman ang bagong katuruan na iyong sinasabi?
20Sapagkat naghatid ka ng kakaibang bagay sa aming tainga. Kaya nga, nais naming malaman ang kahulugan ng mga ito.
21(Ngayon lahat ng mga taga Atenas at mga dayuhang nakatira doon ay ginugugol lamang ang kanilang panahon sa pagkukwento o pakikinig tungkol sa mga bagay na bago.)
22Kaya tumayo si Pablo sa kalagitnaan ng Aeropago at nagsabi, “Kayong mga taga-Atenas, nakita ko na kayo ay napakarelihiyoso sa lahat ng paraan.
23Sapagkat sa aking pagdaraan at pagmamasid sa mga bagay na inyong sinasamba, natagpuan ko ang isang altar na may naka-ukit na ganito, “SA DIYOS NA HINDI NAKIKILALA”. Ang sinasamba ninyo na hindi nakikilala ang aking ipinapahayag sa inyo.
24Ang Diyos na lumikha ng mundo at ng lahat ng naroon, dahil siya ang Panginoon ng langit at lupa, ay hindi nananahan sa mga templo na itinayo ng mga kamay.
25Hindi rin siya pinagsilbihan ng mga kamay ng tao, na para bang kailangan niya ang anuman, dahil siya mismo ang nagbigay ng buhay sa tao at hininga at lahat ng iba pang mga bagay.
26At mula sa isang tao ay nilikha niya ang bawat lahi ng mga taong nabubuhay sa ibabaw ng mundo, itinakda niya ang kanilang mga kapanahunan at ang hangganan ng kanilang tinitirahan.
27Kaya nga dapat nilang hanapin ang Diyos at baka sakaling maabot siya at matagpuan at sa katunayan, hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.
28Dahil sa kaniya tayo ay nabubuhay at gumagalaw, at mayroong pagkatao, gaya nga ng sabi ng inyong mga makata, 'Dahil tayo rin ay kaniyang anak.'

Read Mga Gawa 17Mga Gawa 17
Compare Mga Gawa 17:15-28Mga Gawa 17:15-28