Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 17

Mga Gawa 17:1-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ngayon nang dumaan sila sa mga bayan ng Amfipolis at Apolonia, sila ay dumating sa bayan ng Tesalonica, kung saan ay mayroong isang sinagoga ng mga Judio.
2Tulad ng nakagawian ni Pablo, pumunta siya sa kanila, at sa tatlong araw ng sabbath ay nangatwiran sa kanila mula sa mga kasulatan.
3Binubuksan niya ang mga kasulatan at nagpapaliwanag na kinakailangan ng Cristo na magdusa at muling mabuhay mula sa mga patay. Sinabi niya, “Itong si Jesus na aking ipinapahayag sa inyo ay ang Cristo.”
4May ilang mga Judio ang nahikayat at sumama kina Pablo at Silas, pati na rin ang mga debotong Griego, mga kilalang kababaihan, at lubhang napakaraming tao.
5Ngunit nang dahil sa inggit, ang mga hindi naniniwalang mga Judio ay kumuha ng mga masasamang tao mula sa pamilihan, nagsama-sama sila upang manggulo sa lungsod. Pinasok nila ang bahay ni Jason dahil nais nilang iharap sina Pablo at Silas sa mga tao.
6Ngunit nang hindi nila sila matagpuan, kinaladkad nila si Jason at ang iba pang mga kapatid sa harapan ng mga pinuno ng lungsod na sumisigaw “Pumunta rito ang mga lalaking ito na nagdulot ng kaguluhan.”
7Itong mga lalaking tinanggap ni Jason ay sumasalungat laban sa mga kautusan ni Ceasar; sinasabi nilang mayroong pang ibang hari - si Jesus.”
8Nang marinig ng karamihan at ng mga pinuno ng lungsod ang mga bagay ito, sila ay nabagabag.

Read Mga Gawa 17Mga Gawa 17
Compare Mga Gawa 17:1-8Mga Gawa 17:1-8