Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 15

Mga Gawa 15:24-31

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
24Nalaman namin na may ilang mga kalalakihan kung saan hindi kami nagbigay ng anumang utos ay pumunta sa inyo at nagbagabag sa inyo sa mga katuruang aming ipinahayag na nagbabagabag sa inyong mga kaluluwa.
25Kaya minabuti naming lahat na magkaisa na pumili ng mga lalaki na papapuntahin namin sa inyo kasama sa aming mga minamahal na sina Pablo at Bernabe,
26mga taong nagtaya ng kanilang mga buhay para sa ngalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
27Kaya isinugo namin sa inyo sina Judas at Silas, na magsasabi din sa inyo ng gayon ding mga bagay.
28Sapagkat minabuti namin at ng Banal na Espiritu na huwag kayong bigyan ng mabibigat na mga pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
29na talikuran ninyo ang bagay na naialay sa mga diyus-diyosan, sa dugo, sa mga binigti, at sa sekswal na imoralidad. Kapag nailayo ninyo ang inyong mga sarili sa mga ito, ikabubuti ninyoito. Paalam.”
30Kaya sila, nang sila ay pinauwi, pumunta sila sa Antioquia; pagkatapos nilang tipunin ang lahat ng tao, iniabot nila ang liham.
31Nang mabasa nila ito, sila'y nagalak dahil sa pag-asa at lakas na ibinigay sa kanila.

Read Mga Gawa 15Mga Gawa 15
Compare Mga Gawa 15:24-31Mga Gawa 15:24-31