Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 15

Mga Gawa 15:22-37

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
22Kaya't minabuti ng mga apostol at mga nakatatanda, kasama ang buong iglesia na piliin si Judas na tinatawag na Barsabas, at Silas, na mga pinuno ng iglesia upang ipadala sila sa Antioquia kasama ni Pablo at Bernabe.
23Isinulat nila ito, “Ang mga apostol, mga nakatatanda at mga kapatid, sa mga kapatid na Gentil sa Antioquia, Siria at Cilicia, binabati ko kayo.
24Nalaman namin na may ilang mga kalalakihan kung saan hindi kami nagbigay ng anumang utos ay pumunta sa inyo at nagbagabag sa inyo sa mga katuruang aming ipinahayag na nagbabagabag sa inyong mga kaluluwa.
25Kaya minabuti naming lahat na magkaisa na pumili ng mga lalaki na papapuntahin namin sa inyo kasama sa aming mga minamahal na sina Pablo at Bernabe,
26mga taong nagtaya ng kanilang mga buhay para sa ngalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
27Kaya isinugo namin sa inyo sina Judas at Silas, na magsasabi din sa inyo ng gayon ding mga bagay.
28Sapagkat minabuti namin at ng Banal na Espiritu na huwag kayong bigyan ng mabibigat na mga pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
29na talikuran ninyo ang bagay na naialay sa mga diyus-diyosan, sa dugo, sa mga binigti, at sa sekswal na imoralidad. Kapag nailayo ninyo ang inyong mga sarili sa mga ito, ikabubuti ninyoito. Paalam.”
30Kaya sila, nang sila ay pinauwi, pumunta sila sa Antioquia; pagkatapos nilang tipunin ang lahat ng tao, iniabot nila ang liham.
31Nang mabasa nila ito, sila'y nagalak dahil sa pag-asa at lakas na ibinigay sa kanila.
32Si Judas at Silas na mga propeta rin, ay pinatatag ang loob ng mga kapatiran sa marami nilang mga salita na nakapagpatibay sa kanila.
33Pagkatapos nilang mamalagi ng ilang panahon doon, ay payapa silang pinauwi sa mga kapatid na nagsugo sa kanila.
34(Ngunit minabuti ni Silas na magpaiwan doon.)
35Ngunit si Pablo at Bernabe ay nanatili sa Antioquia kasama ng mga iba pa, na kung saan sila ay nagturo at nagpahayag ng salita ng Panginoon.
36Lumipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Balikan natin ngayon at dalawin ang ating mga kapatid sa bawat lungsod na kung saan ipinahayag natin ang salita ng Panginoon, at kumustahin ang kanilang kalagayan.
37Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos.

Read Mga Gawa 15Mga Gawa 15
Compare Mga Gawa 15:22-37Mga Gawa 15:22-37