Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 15

Mga Gawa 15:11-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Ngunit naniniwala tayo na tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, katulad nila.”
12Nanatiling tahimik ang mga tao habang nakikinig kay Bernabe at Pablo na ibinabalita ang mga tanda at himala na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan nila.
13Pagkatapos nilang tumigil sa pagsasalita, sumagot si Santiago, na sinasabi “Mga kapatid, makinig kayo sa akin.
14Sinabi ni Simon kung paano unang tinulungan ng may mapagmahal ng Diyos ang mga Gentil upang kumuha mula sa kanila ng mga tao para sa kaniyang pangalan.”
15Sumasang-ayon dito ang mga salita ng mga propeta, katulad ng nasusulat,
16'Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako ay babalik, at itatayo ko muli ang tolda ni David na bumagsak; aayusin ko at itatayong muli ang mga guho nito,
17upang ang mga natitirang mga kalalakihan ay hanapin ang Panginoon, kasama ang lahat na mga Gentil na tinawag sa aking pangalan.'
18Ito ang sinasabi ng Panginoon, na siyang gumawa ng mga bagay na batid sa nagdaang kapanahunan.
19Kaya, ang opinyon ko ay dapat huwag nating gambalain ang mga Gentil na nagbalik sa Diyos;

Read Mga Gawa 15Mga Gawa 15
Compare Mga Gawa 15:11-19Mga Gawa 15:11-19