Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 14

Mga Gawa 14:11-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Nang makita ng maraming tao ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila ng malakas, nagsasalita sa wikang Licaonia, ''Ang mga diyos ay bumaba sa atin sa anyo ng tao.”
12Tinawag nilang “Zeus,” si Bernabe at “Hermes” naman si Pablo dahil siya ang pangunahing tagapagsalita.
13Nagdala ng baka at koronang bulaklak sa tarangkahan ang pari ni Zeus, na ang templo ay nasa labas lamang ng lungsod; siya at ang maraming tao ay gustong mag-alay ng handog.
14Ngunit nang narinig ito ng mga apostol na sina, Bernabe at Pablo, pinunit nila ang kanilang kasuotan at agad na lumabas na sumisigaw sa maraming tao
15na sinasabi, ''Mga tao, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? mga tao din kami na may damdamin tulad ninyo. Dinala namin sa inyo ang mabuting balita, upang tumalikod kayo sa mga bagay na walang halaga para sa Diyos na buhay, na gumawa sa kalangitan, lupa, at nang dagat at ang lahat ng mga naroon.
16Sa mga nakalipas na panahon, pinahintulutan niya ang lahat ng bansa na lumakad sa sarili nilang kagustuhan.
17Ngunit gayun pa man hindi niya hinayaan ang kaniyang sarili na walang saksi, dahil doon gumawa siya ng mabuti at ibinigay sa inyo ang mga ulan mula sa langit at mabungang mga panahon, pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at kagalakan.”
18Maging sa mga salitang ito, napigilan nina Pablo at Bernabe ang pag-aalay sa kanila ng maraming tao.
19Ngunit ilang mga Judio mula Antioquia at Iconio ang dumating at hinikayat ang maraming tao. Binato nila si Pablo at kinaladkad palabas ng lungsod sa pag-aakalang siya ay patay na.

Read Mga Gawa 14Mga Gawa 14
Compare Mga Gawa 14:11-19Mga Gawa 14:11-19