Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 14

Mga Gawa 14:1-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Nangyari din ito sa Iconio, na sina Pablo at Bernabe ay magkasamang pumasok sa loob ng sinagoga ng mga Judio at nagsalita sa paraan na napakaraming Judio at Griyego ang nanampalataya.
2Ngunit nanghikayat ang mga suwail na Judio sa kalagitnaan ng mga Gentil at hinimok sila na magalit laban sa mga kapatid.
3Kaya nanatili sila doon ng mahabang panahon, matapang na nagsasalita sa kapangyarihan ng Diyos, Habang nagbibigay siya ng patunay tungkol sa mensahe ng kaniyang biyaya. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga palatandaan at mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng kamay nina Pablo at Bernabe.
4Ngunit nahati ang karamihan sa lunsod: pumanig ang iba sa mga Judio at sa mga apostol naman ang iba.
5Nang subukang himukin ng mga Gentil at Judio ang kanilang mga pinuno na saktan at batuhin sina Pablo at Bernabe,
6nalaman nila ang mga ito at tumakas sila patungo sa lungsod ng Licaonia, Listra at Derbe at sa palibot na rehiyon,
7at doon nangangaral sila ng ebanghelyo.
8Sa Listra may isang lalaking nakaupo sa kaniyang mga paa na walang lakas, isang lumpo mula pa noong nasa sinapupunan ng kaniyang ina, na hindi kailanman nakapaglakad.
9Narinig ng taong ito si Pablo na nagsasalita. Itinuon ni Pablo ang kaniyang mga mata sa kaniya at nakita niya na mayroon siyang pananampalataya upang gumaling.

Read Mga Gawa 14Mga Gawa 14
Compare Mga Gawa 14:1-9Mga Gawa 14:1-9