Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 12

Mga Gawa 12:5-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Kaya nanatili si Pedro sa kulungan, ngunit ang kapulungan ay masigasig na nanalangin sa Diyos para sa kaniya.
6Nang araw bago siya ilabas ni Herodes, nang gabing iyon, natutulog si Pedro sa pagitan ng dalawang kawal, gapos ng dalawang mga tanikala at nagbabantay ang mga bantay sa harap ng pintuan ng bilangguan.
7At biglang lumitaw ang isang anghel ng Diyos sa kaniyang tabi at isang ilaw ang lumiwanag sa bilangguan. Tinapik niya si Pedro sa tagiliran at ginising at sinabi, “Bumangon kang madali.” Pagkatapos nahulog ang kaniyang mga kadena sa kaniyang mga kamay.
8Sinabi sa kaniya ng anghel, “Magdamit ka at isuot ang iyong sandalyas.” Ginawa nga ito ni Pedro. Sinabi ng anghel sa kaniya, “Isuot mo ang iyong panlabas na kasuotan at sumunod ka sa akin.”
9Kaya sumunod nga si Pedro sa anghel at lumabas. Hindi niya alam na ang nangyari sa pamamagitan ng anghel ay totoo. Ang akala niya nakakakita siya ng isang pangitain.

Read Mga Gawa 12Mga Gawa 12
Compare Mga Gawa 12:5-9Mga Gawa 12:5-9