Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 12

Mga Gawa 12:11-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Nang matauhan si Pedro, sinabi niya, “Ngayon, aking napatunayan na ipinadala ng Diyos ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes, at mula sa lahat ng inaasahan ng mga mamamayang Judio.”
12Pagkatapos niyang maunawaan ito, dumating siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na ang huling pangalan ay Marcos; maraming mananampalataya ang nagkatipon doon at nananalangin.
13Nang kumatok siya sa may pintuan ng tarangkahan, isang aliping babae na nagngangalang Roda ang pumunta upang sumagot.
14Nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa kaniyang kagalakan, hindi niya nabuksan ang pintuan; sa halip, tumakbo siya sa silid at kaniyang ibinalita na nakatayo si Pedro sa may pintuan.
15Kaya sinabi nila sa kaniya, “Nababaliw ka na.” Ngunit kaniyang ipinilit na ito ay totoo. Kanilang sinabi, “Ito ang kaniyang anghel.”
16Ngunit patuloy pa rin si Pedro sa pagkatok, at nang kanilang buksan ang pintuan, nakita nila siya at sila ay namangha.
17Sumenyas si Pedro sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang kamay na tumahimik, at sinabi niya sa kanila kung paano siya inilabas ng Diyos sa bilangguan. Sinabi niya, “Ibalita ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago at sa mga kapatid.” Pagkatapos umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.
18Nang sumapit na ang araw, gulong-gulo ang mga kawal tungkol sa nangyari kay Pedro.
19Pagkatapos siyang hanapin ni Herodes at hindi matagpuan, tinanong niya ang mga bantay at iniutos na patawan sila ng kamatayan. Pagkatapos siya ay bumaba mula Judea hanggang Cesarea at nanatili doon.
20Ngayon galit na galit si Herodes sa mga taga-Tiro at Sidon. Pumunta sila sa kaniya na magkakasama. Hinikayat nila si Blasto, na kanang kamay ng Hari, upang tulungan sila. Pagkatapos humiling sila ng kapayapaan, dahil ang kanilang bansa ay tumatanggap ng pagkain mula sa bansa ng hari.
21Nang dumating ang takdang araw, nagbihis si Herodes ng marangyang kasuotan at umupo sa trono; nagsalita siya sa kanila.

Read Mga Gawa 12Mga Gawa 12
Compare Mga Gawa 12:11-21Mga Gawa 12:11-21