Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 12

Mga Gawa 12:1-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Nang panahong ding iyon, pinagbuhatan ng kamay ni haring Herodes ang ilan sa kapulungan, upang abusuhin sila.
2Pinatay niya si Santiago na kapatid ni Juan sa pamamagitan ng espada.
3Nang makita niya na nalugod ang mga Judio, ipinadakip din niya si Pedro. Ito ay sa panahon ng mga tinapay na walang lebadura.
4Pagkatapos siyang dakipin, ipinabilanggo siya at nagtalaga ng apat na pangkat ng mga sundalo upang siya ay bantayan; binabalak niyang iharap si Pedro sa mga tao pagkatapos ng Paskwa.
5Kaya nanatili si Pedro sa kulungan, ngunit ang kapulungan ay masigasig na nanalangin sa Diyos para sa kaniya.
6Nang araw bago siya ilabas ni Herodes, nang gabing iyon, natutulog si Pedro sa pagitan ng dalawang kawal, gapos ng dalawang mga tanikala at nagbabantay ang mga bantay sa harap ng pintuan ng bilangguan.
7At biglang lumitaw ang isang anghel ng Diyos sa kaniyang tabi at isang ilaw ang lumiwanag sa bilangguan. Tinapik niya si Pedro sa tagiliran at ginising at sinabi, “Bumangon kang madali.” Pagkatapos nahulog ang kaniyang mga kadena sa kaniyang mga kamay.
8Sinabi sa kaniya ng anghel, “Magdamit ka at isuot ang iyong sandalyas.” Ginawa nga ito ni Pedro. Sinabi ng anghel sa kaniya, “Isuot mo ang iyong panlabas na kasuotan at sumunod ka sa akin.”

Read Mga Gawa 12Mga Gawa 12
Compare Mga Gawa 12:1-8Mga Gawa 12:1-8