Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 10

Mga Gawa 10:29-36

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
29Kaya pumunta ako na hindi na nakipagtalo nang ako ay papuntahin dito. Kaya tinatanong ko kayo kung bakit ninyo ako pinapunta.”
30Sinabi ni Cornelio, “May apat na araw na ngayon ang nakakalipas sa ganito ring oras, bandang alas-tres nananalangin ako sa aking bahay; at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa aking harapan na may maliwanag na kasuotan.
31At sinabi niya, “Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin at ang ibinibigay mo sa mga mahihirap ay nagpaalala sa Diyos tungkol sa iyo.
32Kaya magpadala ka ng tao sa Jopa, at ipatawag ang taong nagngangalang Simon, na tinatawag ding Pedro. Nakikitira siya sa bahay ng isang taong mambibilad ng balat ng hayop na nangngangalang Simon, sa tabing-dagat. (Pagdating niya, kakausapin ka niya.)
33kaya agad kitang ipinatawag, mabuti at dumating ka. At ngayon nandito kaming lahat sa harapan ng Diyos upang makinig sa lahat ng mga itinuro sa iyo ng Diyos na sasabihin mo.”
34At binuksan ni Pedro ang kaniyang bibig at sinabi, “Sa katotohanan, naunawaan ko ng lubusan na walang tinatangi ang Diyos.
35Sa halip, sa bawat bansa ang sinumang sumasamba at gumagawa ng mga matuwid na gawain ay katanggap-tanggap sa kaniya.
36Alam ninyo ang mensahe na ipinadala niya sa mga taga-Israel, nang ipahayag niya ang magandang balita tungkol sa kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na Panginoon ng lahat—

Read Mga Gawa 10Mga Gawa 10
Compare Mga Gawa 10:29-36Mga Gawa 10:29-36