Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 10

Mga Gawa 10:16-32

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
16Nangyari ito nang tatlong beses; at agad na ibinalik sa langit ang sisidlan.
17Ngayon habang naguguluhan pa si Pedro tungkol sa kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga lalaki na ipinadala ni Cornelio na nakatayo sa harapan ng tarangkahan, pagkatapos nilang tanungin ang daan patungo sa tahanan.
18At sila ay tumawag at nagtanong kung naninirahan doon si Simon na tinatawag ding Pedro.
19Habang iniisip pa rin ni Pedro ang tungkol sa pangitain, sinabi ng Espiritu sa kaniya, “Tingnan mo, may tatlong lalaking naghahanap sa iyo.
20Bumangon ka at bumaba at sumama sa kanila. Huwag kang matakot na sumama sa kanila, dahil ipinadala ko sila.”
21Kaya bumaba si Pedro at sinabi sa mga lalaki, “Ako ang hinahanap ninyo. Bakit kayo naparito?”
22Sinabi nila, “Ang senturion na nagngangalang Cornelio, isang matuwid na tao at sumasamba sa Diyos, at mabuti ang sinasabi tungkol sa kaniya ng lahat ng mga Judio sa bansa, ay sinabihan ng isang banal na anghel ng Diyos na papuntahan ka para isama ka sa kaniyang bahay, upang siya ay makinig ng mensahe mula sa iyo.”
23Kaya inanyayahan sila ni Pedro na pumasok at manatili na kasama niya. Kinabukasan bumangon siya at sumama sa kanila, at sinamahan siya ng ilang mga kapatid na taga-Joppa.
24Noong sumunod na araw, dumating sila sa Cesarea. Hinihintay sila ni Cornelio; tinipon niya ang kaniyang mga kamag-anak at kaniyang mga malalapit na kaibigan.
25Nangyari nga na nang papasok na si Pedro, sinalubong siya ni Cornelio at lumuhod sa kaniyang paanan para parangalan siya.
26Ngunit pinatayo siya ni Pedro at sinabi na, “Tumayo ka; ako rin ay isang tao lamang.
27Habang nakikipag-usap si Pedro sa kaniya, pumasok siya at natagpuan niya ang napakaraming tao na nagtipon-tipon doon.
28Sinabi niya sa kanila, “Batid ninyo mismo na hindi naaayon sa batas para sa isang Judio na makihalubilo o bumisita sa kaninuman galing sa ibang bansa. Ngunit ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat tawagin ang sinuman na marumi o hindi malinis.
29Kaya pumunta ako na hindi na nakipagtalo nang ako ay papuntahin dito. Kaya tinatanong ko kayo kung bakit ninyo ako pinapunta.”
30Sinabi ni Cornelio, “May apat na araw na ngayon ang nakakalipas sa ganito ring oras, bandang alas-tres nananalangin ako sa aking bahay; at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa aking harapan na may maliwanag na kasuotan.
31At sinabi niya, “Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin at ang ibinibigay mo sa mga mahihirap ay nagpaalala sa Diyos tungkol sa iyo.
32Kaya magpadala ka ng tao sa Jopa, at ipatawag ang taong nagngangalang Simon, na tinatawag ding Pedro. Nakikitira siya sa bahay ng isang taong mambibilad ng balat ng hayop na nangngangalang Simon, sa tabing-dagat. (Pagdating niya, kakausapin ka niya.)

Read Mga Gawa 10Mga Gawa 10
Compare Mga Gawa 10:16-32Mga Gawa 10:16-32