Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 10

Mga Gawa 10:10-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
10Nagutom siya at gusto niya ng kumain, ngunit habang nagluluto ang mga tao ng pagkain, nabigyan siya ng isang pangitain,
11at nakita niyang bumukas ang langit at may isang sisidlan na bumababa mula sa langit, katulad ng isang malaking kumot na ipinababa sa lupa sa pamamagitan ng apat na mga sulok nito.
12Naroon ang lahat na uri ng hayop na may apat na paa, at mga bagay na gumagapang sa lupa, at mga ibon sa himpapawid.
13At may tinig na kumausap sa kaniya: “Bumangon ka Pedro, magkatay ka at kumain.”
14Ngunit sinabi ni Pedro, “Hindi maaari Panginoon, dahil ni minsan hindi ako kumain ng anumang marumi at hindi malinis.”
15Ngunit muli niyang narinig ang tinig sa ikalawang pagkakataon: “Huwag mong ituring na marumi ano man ang nilinis na ng Diyos.”
16Nangyari ito nang tatlong beses; at agad na ibinalik sa langit ang sisidlan.
17Ngayon habang naguguluhan pa si Pedro tungkol sa kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga lalaki na ipinadala ni Cornelio na nakatayo sa harapan ng tarangkahan, pagkatapos nilang tanungin ang daan patungo sa tahanan.
18At sila ay tumawag at nagtanong kung naninirahan doon si Simon na tinatawag ding Pedro.
19Habang iniisip pa rin ni Pedro ang tungkol sa pangitain, sinabi ng Espiritu sa kaniya, “Tingnan mo, may tatlong lalaking naghahanap sa iyo.

Read Mga Gawa 10Mga Gawa 10
Compare Mga Gawa 10:10-19Mga Gawa 10:10-19