Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 26

Mga Bilang 26:5-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Si Ruben ay ang panganay ni Israel. Mula sa kaniyang anak na si Hanoc nagmula ang angkan ng mga Hanocitas. Mula kay Palu nagmula ang mga angkan ng mga Paluita.
6Mula kay Hesron nagmula ang angkan ng mga Hesronita. Mula kay Carmi nagmula ang angkan ng mga Carmita.
7Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Ruben, na may bilang 43, 730 na kalalakihan.
8Si Eliab ay isang anak ni Palu.
9Ang mga anak na lalaki ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Ito ay ang parehong Datan at Abiram na sumunod kay Kora nang subukin nila si Moises at umaklas laban kay Yahweh.
10Ibinuka ng lupa ang bibig nito at nilamon sila kasama si Kora nang mamatay ang lahat na kaniyang tagasunod. Sa panahong iyon, nilamon ng apoy ang 250 na kalalakihan, na naging isang babalang tanda.
11Ngunit hindi namatay ang kaapu-apuhan ni Kora.
12Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Simeon: Kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita, kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita, kay Jaquin, ang angkan ng mga Jaquinita,
13kay Zerah, ang angkan ng mga Zeraita, kay Saul, ang angkan ng mga Saulita.
14Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Simeon, na may bilang 22, 200 na kalalakihan.
15Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Gad: kay Zefon, ang angkan ng mga Zefonita, kay Hagai, ang angkan ng mga Hagaita, kay Suni na angkan ng mga Sunita,
16kay Ozni na angkan ng mga Oznita, kay Eri, ang angkan ng mga Erita,
17kay Arod, ang angkan ng mga Arodita, kay Areli, ang angkan ng mga Arelita.

Read Mga Bilang 26Mga Bilang 26
Compare Mga Bilang 26:5-17Mga Bilang 26:5-17