3Sumali ang mga kalalakihan ng Israel sa pagsamba kay Baal ng Peor, at sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel.
4Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Patayin mo ang lahat ng pinuno ng mga tao at bitayin sila sa aking harapan upang ilantad sila sa liwanag ng araw, upang maalis ang aking matinding galit mula sa Israel.”
5Kaya sinabi ni Moises sa mga pinuno ng Israel, “Dapat patayin ang bawat isa sa inyo ang kaniyang mga taong sumama sa pagsamba kay Baal ng Peor.”
6Pagkatapos, dumating ang isa sa mga lalaki ng Israel at dinala sa mga miyembro ng kaniyang pamilya ang isang babaeng Midianita. Nangyari ito sa paningin ni Moises at sa lahat ng sambayanan ng Israel, habang umiiyak sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
7Nang makita iyon ni Finehas na lalaking anak ni Eleazar na lalaking anak naman ni Aaron, na pari, tumayo siya mula sa sambayanan at humawak ng isang sibat.