Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 23

Mga Bilang 23:8-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Paano ko isusumpa ang mga taong hindi isinumpa ng Diyos? Paano ko lalabanan ang mga hindi nilabanan ni Yahweh?
9Sapagkat nakikita ko siya mula sa tuktok ng mga bato; mula sa mga burol tinitingnan ko siya. Tingnan mo, may mga taong naninirahang mag-isa at hindi itinuturing ang kanilang sarili bilang isang karaniwang bansa.
10Sino ang makakapagbilang sa alikabok ni Jacob o makakapagbilang kahit na ang ikaapat lamang ng Israel? Hayaan akong akong mamatay sa kamatayan ng isang matuwid na tao, at hayaang maging katulad niya ang wakas ng aking buhay!”
11Sinabi ni Balak kay Balaam, “Anong ginawa mo sa akin? Dinala kita upang isumpa ang aking mga kalaban, ngunit tingnan mo, pinagpala mo sila.”
12Sumagot si Balaam at sinabi, “Hindi ba dapat akong maging maingat na sabihin lamang kung ano ang inilagay ni Yahweh sa aking bibig?”
13Kaya sinabi ni Balak sa kaniya, “Pakiusap sumama ka sa akin sa isang lugar kung saan makikita mo sila. Makikita mo lamang ang pinakamalapit sa kanila, hindi silang lahat. Doon isusumpa mo sila para sa akin.”
14Kaya dinala niya si Balaam sa bukid ng Zopim, sa tuktok ng Bundok Pisga, at gumawa ng pito pang altar. Naghandog siya ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.
15Pagkatapos, sinabi ni Balaam kay Balak, “Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, habang nakikipagkita ako kay Yahweh doon.”
16Kaya nakipagkita si Yahweh kay Balaam at inilagay ang isang mensahe sa kaniyang bibig. Sinabi niya, “Bumalik ka kay Balak at ibigay mo sa kaniya ang aking mensahe.”
17Bumalik si Balaam sa kaniya, at masdam, nakatayo siya sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at kasama niya ang mga pinuno ng Moab. At sinabi ni Balak sa kaniya, “Ano ang sinabi ni Yahweh?”
18Sinimulan ni Balaam ang kaniyang propesiya. Sinabi niya, “Tumayo ka, Balak, at dinggin mo. Makinig ka sa akin, ikaw na anak ni Zippor.
19Hindi isang tao ang Diyos, na kailangan niyang magsinungaling, o isang tao, na kailangang magbago ang kaniyang isip. Nangako ba siya ng anumang bagay na hindi ito ginagawa? Nagsabi ba siyang gagawin niya ang isang bagay na hindi niya ito tinutupad?
20Tingnan mo, inutusan ako upang magpala. Binigyan ako ng Diyos ng isang biyaya, at hindi ko kayang baliktarin ito.
21Wala siyang nakikitang paghihirap kay Jacob o kaguluhan sa Israel. Kasama nila si Yahweh na kanilang Diyos, at sumisigaw sapagkat kasama nila ang kanilang hari.
22Inilabas sila ng Diyos mula sa Ihipto nang may lakas katulad ng isang mabangis na kapong baka.

Read Mga Bilang 23Mga Bilang 23
Compare Mga Bilang 23:8-22Mga Bilang 23:8-22