Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 23

Mga Bilang 23:7-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7At nagsimulang sabihin ni Balaam ang kaniyang propesiya at sinabi, “Dinala ako ni Balak mula sa Aram. Ang hari ng Moab mula sa mga bundok sa silangan. 'Halika, isumpa mo si Jacob para sa akin,' sinabi niya. 'Halika, labanan mo ang Israel.'
8Paano ko isusumpa ang mga taong hindi isinumpa ng Diyos? Paano ko lalabanan ang mga hindi nilabanan ni Yahweh?
9Sapagkat nakikita ko siya mula sa tuktok ng mga bato; mula sa mga burol tinitingnan ko siya. Tingnan mo, may mga taong naninirahang mag-isa at hindi itinuturing ang kanilang sarili bilang isang karaniwang bansa.
10Sino ang makakapagbilang sa alikabok ni Jacob o makakapagbilang kahit na ang ikaapat lamang ng Israel? Hayaan akong akong mamatay sa kamatayan ng isang matuwid na tao, at hayaang maging katulad niya ang wakas ng aking buhay!”
11Sinabi ni Balak kay Balaam, “Anong ginawa mo sa akin? Dinala kita upang isumpa ang aking mga kalaban, ngunit tingnan mo, pinagpala mo sila.”
12Sumagot si Balaam at sinabi, “Hindi ba dapat akong maging maingat na sabihin lamang kung ano ang inilagay ni Yahweh sa aking bibig?”
13Kaya sinabi ni Balak sa kaniya, “Pakiusap sumama ka sa akin sa isang lugar kung saan makikita mo sila. Makikita mo lamang ang pinakamalapit sa kanila, hindi silang lahat. Doon isusumpa mo sila para sa akin.”

Read Mga Bilang 23Mga Bilang 23
Compare Mga Bilang 23:7-13Mga Bilang 23:7-13