Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 22

Mga Bilang 22:24-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
24At tumayo ang anghel ni Yahweh sa isang makipot na bahagi ng kalsada sa pagitan ng ilang ubasan, na mayroong isang pader sa kaniyang kanang bahagi at isa pang pader sa kaniyang kaliwang bahagi.
25Nakita muli ng asno ang anghel ni Yahweh. Sumiksik siya sa pader at naipit ang paa ni Balaam laban dito. Muli siyang hinampas ni Balaam.
26Pumunta sa mas malayo ang anghel ni Yahweh at tumayo sa isa pang makipot na lugar kung saan ay walang paraan para makaiwas sa kahit sa anumang bahagi.
27Nakita ng asno ang anghel ni Yahweh, at humiga siya sa ilalim ni Balaam. Sumiklab ang galit ni Balaam at kaniyang hinampas ng baston ang kaniyang asno.
28Pagkatapos, binuksan ni Yahweh ang bibig ng asno para magsalita siya. Sinabi niya kay Balaam, “Ano ang aking ginawa sa iyo na nag-udyok sa iyo na hampasin ako nitong makaikatlo beses?”
29Sumagot si Balaam, “Dahil ikaw ay kumilos nang may kahangalan sa akin. Sana ay mayroong isang espada sa aking kamay. Kung mayroon, sa ngayon pinatay na kita.”
30Sinabi ng asno kay Balaam, “Hindi ba ako ang iyong asno na sinasakyan mo sa buong buhay mo hanggang sa mga araw na ito? Ugali ko bang gawin ang mga ganitong bagay sa iyo dati?” Sinabi ni Balaam, “Hindi.”
31Pagkatapos, binuksan ni Yahweh ang mga mata ni Balaam, at nakita niya ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa daraanan na nakalabas ang kaniyang espadang nasa kaniyang kamay. Iniyuko ni Balaam ang kaniyang ulo at nagpatirapa.
32Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Bakit mo hinampas nitong tatlong beses ang iyong asno? Tingnan mo, naparito ako bilang isang taong galit sa iyo dahil masama ang mga ikinikilos mo sa harapan ko.
33Nakita ako ng iyong asno at iniwasan niya ako ng tatlong beses. Kung hindi siya umiwas sa akin, siguradong napatay kita at nailigtas ko ang buhay niya.”
34Sinabi ni Balaam sa anghel ni Yahweh, “Nagkasala ako. Hindi ko alam na nakatayo ka sa kalsada laban sa akin. Ngayon kung ganoon, kung hindi katanggap-tanggap sa iyo ang paglalakbay na ito, babalik ako sa aking pinanggalingan.”

Read Mga Bilang 22Mga Bilang 22
Compare Mga Bilang 22:24-34Mga Bilang 22:24-34