Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 22

Mga Bilang 22:17-32

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
17dahil babayaran pa kita nang labis at bibigyan kita ng dakilang karangalan, at gagawin ko anuman ang sasabihin mong gawin ko. Kaya pakiusap pumunta ka at isumpa mo ang mga taong ito para sa akin.”'
18Sumagot si Balaam at sinabi sa mga tauhan ni Balak, “Kahit na ibibigay sa akin ni Balak ang kaniyang palasyong puno ng pilak at ginto, hindi ako pwedeng sumuway sa mga salita ni Yahweh, ang aking Diyos, at gawin nang walang labis o walang kulang kung ano ang sinabi niya sa akin.
19Kung gayon, pakiusap manatili rin kayo rito ngayong gabi, upang pag-isipan kong mabuti ang anumang sinasabi ni Yahweh sa akin.”
20Pinuntahan ng Diyos si Balaam sa gabi at sinabi sa kaniya, “Yamang nagpunta ang mga lalaking ito para ipatawag ka, tumayo ka at sumama sa kanila. Ngunit gagawin mo lamang kung ano ang aking sinabing gagawin mo.”
21Kinaumagahan tumayo si Balaam, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at sumama sa mga pinuno ng Moab.
22Ngunit dahil sumama siya, ang galit ni Yahweh ay sumiklab. Inilagay ng anghel ni Yahweh ang kaniyang sarili sa daanan bilang isang taong hadlang kay Balaam, na nakasakay sa kaniyang asno. Ang dalawang alipin ni Balaam ay kasama din niya.
23Nakita ng asno ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa daraanan na hawak niya ang kaniyang nakalabas na tabak. Lumihis ang asno sa kalsada at pumunta sa loob ng isang bukirin. Hinampas ni Balaam ang asno upang ipaharap sa kalsada.
24At tumayo ang anghel ni Yahweh sa isang makipot na bahagi ng kalsada sa pagitan ng ilang ubasan, na mayroong isang pader sa kaniyang kanang bahagi at isa pang pader sa kaniyang kaliwang bahagi.
25Nakita muli ng asno ang anghel ni Yahweh. Sumiksik siya sa pader at naipit ang paa ni Balaam laban dito. Muli siyang hinampas ni Balaam.
26Pumunta sa mas malayo ang anghel ni Yahweh at tumayo sa isa pang makipot na lugar kung saan ay walang paraan para makaiwas sa kahit sa anumang bahagi.
27Nakita ng asno ang anghel ni Yahweh, at humiga siya sa ilalim ni Balaam. Sumiklab ang galit ni Balaam at kaniyang hinampas ng baston ang kaniyang asno.
28Pagkatapos, binuksan ni Yahweh ang bibig ng asno para magsalita siya. Sinabi niya kay Balaam, “Ano ang aking ginawa sa iyo na nag-udyok sa iyo na hampasin ako nitong makaikatlo beses?”
29Sumagot si Balaam, “Dahil ikaw ay kumilos nang may kahangalan sa akin. Sana ay mayroong isang espada sa aking kamay. Kung mayroon, sa ngayon pinatay na kita.”
30Sinabi ng asno kay Balaam, “Hindi ba ako ang iyong asno na sinasakyan mo sa buong buhay mo hanggang sa mga araw na ito? Ugali ko bang gawin ang mga ganitong bagay sa iyo dati?” Sinabi ni Balaam, “Hindi.”
31Pagkatapos, binuksan ni Yahweh ang mga mata ni Balaam, at nakita niya ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa daraanan na nakalabas ang kaniyang espadang nasa kaniyang kamay. Iniyuko ni Balaam ang kaniyang ulo at nagpatirapa.
32Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Bakit mo hinampas nitong tatlong beses ang iyong asno? Tingnan mo, naparito ako bilang isang taong galit sa iyo dahil masama ang mga ikinikilos mo sa harapan ko.

Read Mga Bilang 22Mga Bilang 22
Compare Mga Bilang 22:17-32Mga Bilang 22:17-32