Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 20

Mga Bilang 20:3-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Nagreklamo ang mga tao laban kay Moises. Sinabi nila, “Mas mabuti pa ngang namatay nalang kami nang mamatay ang kasamahan naming mga Israelita sa harap ni Yahweh!
4Bakit mo dinala ang sambayanan ni Yahweh sa ilang na ito para mamatay dito, kami at ang aming mga hayop?
5At bakit mo kami inilabas sa Ehipto para dalhin kami sa nakakakilabot na lugar na ito? Walang butil dito, mga igos, mga puno ng ubas, o mga granada. At walang tubig na maiinom.”
6Kaya umalis sina Moises at Aaron mula sa harap ng kapulungan. Pumunta sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong at nagpatirapa. Doon nagpakita ang makinang na kaluwalhatian ni Yahweh sa kanila.
7Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabin,
8“Kunin mo ang iyong tungkod at tipunin ang sambayanan, ikaw at si Aaron na iyong kapatid. Magsalita ka sa bato sa kanilang paningin, at utusan mo ang bato na magpadaloy ng tubig. Makakakuha ka ng tubig para sa kanila mula sa batong iyan, at dapat mong ibigay ito sa sambayanan at sa kanilang mga baka para inumin.”
9Kinuha ni Moises ang kaniyang tungkod sa harap ni Yahweh gaya ng iniutos ni Yahweh na kaniyang gawin.
10At tinipong magkakasama nina Moises at Aaron ang kapulungan sa harap ng bato. Sinabi ni Moises sa kanila, “Makinig kayo ngayon, kayong mga mapaghimagsik. Dapat ba kaming magpadaloy ng tubig mula sa batong ito para sa inyo?”
11Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kaniyang kamay at hinampas ng dalawang beses ang bato sa pamamagitan ng kaniyang tungkod, at lumabas ang maraming tubig. Uminom ang sambayanan at ang kanilang mga baka.
12Pagkatapos sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Dahil hindi kayo nagtiwala sa akin o inilaan ako na maging banal sa mga mata ng mga tao ng Israel, hindi ninyo madadala ang kapulungang ito sa lupain na ibinibigay ko sa kanila.”
13Tinawag ang lugar na ito na mga tubig ng Meriba dahil nakipagtalo ang mga tao ng Israel kay Yahweh doon, at ipinakita niya ang kaniyang sarili sa kanila bilang banal.
14Nagpadala ng mga mensahero si Moises mula Kades sa hari ng Edom: Ito ang sinabi ng iyong kapatid na si Israel: “Alam mo ang lahat ng paghihirap na nangyari sa amin.

Read Mga Bilang 20Mga Bilang 20
Compare Mga Bilang 20:3-14Mga Bilang 20:3-14