Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 20

Mga Bilang 20:22-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
22Kaya naglakbay ang mga tao mula Kades. Ang mga tao ng Israel, ang buong sambayanan ay dumating sa Bundok Hor.
23Nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron sa Bundok Hor, sa hangganan ng Edom. Sinabi niya,
24“Dapat maitipon si Aaron sa kaniyang mga tao, sapagkat hindi siya papasok sa lupain na ibinibigay ko sa mga tao ng Israel. Ito ay dahil lumabag kayong dalawa sa aking salita sa mga tubig ng Meribah.
25Kunin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak na lalaki at dalhin mo sila sa Bundok Hor.
26Alisin mo kay Aaron ang mga kasuotang pangpari at isuot ito kay Eleazar na kaniyang anak na lalaki. Dapat mamatay si Aaron at mmaitipon sa kaniyang mga tao doon.”
27Ginawa ni Moises ang inutos ni Yahweh. Umakyat sila sa Bundok Hor sa paningin ng sambayanan.
28Tinanggal ni Moises kay Aaron ang kaniyang kasuotang pangpari at isinuot kay Eleazar na kaniyang anak na lalaki. Namatay si Aaron doon sa tuktok ng bundok. Pakatapos, bumaba si Moises at Eleazar.

Read Mga Bilang 20Mga Bilang 20
Compare Mga Bilang 20:22-28Mga Bilang 20:22-28