Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 20

Mga Bilang 20:12-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12Pagkatapos sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Dahil hindi kayo nagtiwala sa akin o inilaan ako na maging banal sa mga mata ng mga tao ng Israel, hindi ninyo madadala ang kapulungang ito sa lupain na ibinibigay ko sa kanila.”
13Tinawag ang lugar na ito na mga tubig ng Meriba dahil nakipagtalo ang mga tao ng Israel kay Yahweh doon, at ipinakita niya ang kaniyang sarili sa kanila bilang banal.
14Nagpadala ng mga mensahero si Moises mula Kades sa hari ng Edom: Ito ang sinabi ng iyong kapatid na si Israel: “Alam mo ang lahat ng paghihirap na nangyari sa amin.
15Alam mo na pumunta sa Ehipto ang aming mga ninuno at nanirahan sa Ehipto ng isang mahabang panahon. Tinuring kaming napakasama ng mga taga-Ehipto gayon din ang aming mga ninuno.
16Nang tumawag kami kay Yahweh, dininig niya ang aming mga tinig at nagpadala siya ng isang anghel at inilabas kami sa Ehipto. Tingnan mo, narito kami sa Kades, isang lungsod sa hangganan ng iyong lupain.
17Hinihiling kong pahintulutan mo kaming maadaan sa iyong lupain. Hindi kami dadaan sa bukirin o ubasan, ni iinom ng tubig sa iyong mga balon. Dadaan kami sa maluwang na daanan ng hari. Hindi kami liliko sa kanan o sa kaliwa hanggang makalampas kami sa iyong hangganan.”
18Subalit tumugon ang hari ng Edom sa kaniya, “Hindi ka maaaring dumaan dito. Kapag ginawa mo iyon, darating ako nang may espada upang salakayin ka.”
19At sinabi ng mga tao ng Israel sa kaniya, “Dadaan kami sa maluwang na daanan. Kung uminom kami o ang aming mga alagang hayop ng iyong tubig, babayaran namin ito. Pabayaan mo lang kaming makadaan sa aming paa, wala kaming ibang gagawin.”
20Subalit sumagot ang hari ng Edom, “Hindi kayo maaring dumaan.” Kaya dumating ang hari ng Edom laban sa Israel nang may isang malakas na kamay kasama ang maraming kawal.
21Hindi pumayag ang hari ng Edom na makatawid ang Israel sa kanilang hangganan. Dahil dito, lumayo ang Israel sa lupain ng Edom.
22Kaya naglakbay ang mga tao mula Kades. Ang mga tao ng Israel, ang buong sambayanan ay dumating sa Bundok Hor.
23Nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron sa Bundok Hor, sa hangganan ng Edom. Sinabi niya,
24“Dapat maitipon si Aaron sa kaniyang mga tao, sapagkat hindi siya papasok sa lupain na ibinibigay ko sa mga tao ng Israel. Ito ay dahil lumabag kayong dalawa sa aking salita sa mga tubig ng Meribah.
25Kunin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak na lalaki at dalhin mo sila sa Bundok Hor.
26Alisin mo kay Aaron ang mga kasuotang pangpari at isuot ito kay Eleazar na kaniyang anak na lalaki. Dapat mamatay si Aaron at mmaitipon sa kaniyang mga tao doon.”

Read Mga Bilang 20Mga Bilang 20
Compare Mga Bilang 20:12-26Mga Bilang 20:12-26