Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Bilang - Mga Bilang 1

Mga Bilang 1:1-18

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa tabernakulo ng kapisanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkatapos na makaalis sila sa lupain ng Egipto, na sinasabi,
2Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawa't lalake ayon sa dami ng mga ulo nila;
3Mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa Israel sa pakikibaka, na bibilangin ninyo at ni Aaron sila ayon sa kanilang mga hukbo.
4At magsasama kayo ng isang lalake ng bawa't lipi; na bawa't isa'y pangulo sa sangbahayan ng kaniyang mga magulang.
5At ito ang mga pangalan ng mga lalake na sasama sa inyo. Sa lipi ni Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur.
6Sa lipi ni Simeon; si Selumiel na anak ni Zurisaddai.
7Sa lipi ni Juda; si Naason na anak ni Aminadab.
8Sa lipi ni Issachar; si Nathanael na anak ni Suar.
9Sa lipi ni Zabulon; si Eliab na anak ni Helon.
10Sa mga anak ni Jose: sa lipi ni Ephraim; si Elisama na anak ni Ammiud: sa lipi ni Manases; si Gamaliel na anak ni Pedasur.
11Sa lipi ni Benjamin; si Abidan na anak ni Gedeon.
12Sa lipi ni Dan; si Ahiezer na anak ni Ammisaddai.
13Sa lipi ni Aser; si Phegiel na anak ni Ocran.
14Sa lipi ni Gad; si Eliasaph na anak ni Deuel.
15Sa lipi ni Nephtali; si Ahira na anak ni Enan.
16Ito ang mga tinawag sa kapisanan, na mga prinsipe sa mga lipi ng kanikanilang mga magulang; sila ang mga pangulo ng libolibong taga Israel.
17At dinala ni Moises at ni Aaron ang mga lalaking ito na nasaysay sa pamamagitan ng kanikaniyang pangalan:
18At kanilang pinisan ang buong kapisanan nang unang araw ng ikalawang buwan; at kanilang sinaysay ang kanikaniyang kanunuan ayon sa kanikanilang angkan, sangayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa dami ng mga ulo nila.

Read Mga Bilang 1Mga Bilang 1
Compare Mga Bilang 1:1-18Mga Bilang 1:1-18