Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 1

Mga Bilang 1:1-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Nagsalita si Yahweh kay Moises sa tolda ng pagpupulong sa ilang ng Sinai. Nangyari ito sa unang araw ng ikalawang buwan sa loob ng ikalawang taon matapos na makalabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto. Sinabi ni Yahweh,
2“Magsagawa ka ng isang pagbibilang sa lahat ng kalalakihan ng Israel sa bawat angkan, sa mga pamilya ng kanilang mga ama. Bilangin mo sila ayon sa kanilang mga pangalan. Bilangin mo ang bawat lalaki, ang bawat lalaking
3dalawampung taong gulang pataas. Bilangin mo ang lahat ng maaaring makipaglaban bilang mga kawal para sa Israel. Dapat ninyong itala ni Aaron ang bilang ng mga kalalakihan sa kanilang armadong mga grupo.
4Ang isang lalaki mula sa bawat tribu, ang isang ulo ng angkan ay dapat maglingkod sa iyo bilang pinuno ng tribu. Dapat pangunahan ng bawat pinuno ang mga kalalakihang makikipaglaban para sa kaniyang tribu.
5Ito ang mga pangalan ng mga pinunong dapat makipaglaban na kasama mo: Mula sa tribu ni Ruben, si Elizur na anak na lalaki ni Sedeur;
6sa tribu ni Simeon, si Selumiel na anak na lalaki ni Zurisaddai;
7mula sa tribu ni Juda, si Naason na anak na lalaki ni Aminadab;
8mula sa tribu ni Isacar, si Natanael na anak na lalaki ni Zuar;
9mula sa tribu ni Zebulon, si Eliab na anak na lalaki ni Helon;
10mula sa tribu ni Efraim na anak na lalaki ni Jose ay si Elisama na anak na lalaki ni Ammiud; mula sa tribu ni Manases, si Gamaliel na anak na lalaki ni Pedasur;
11mula sa tribu ni Benjamin na anak na lalaki ni Jose ay si Abidan na anak na lalaki ni Gideon;
12mula sa tribu ni Dan, si Ahiezer na anak na lalaki ni Ammisaddai;

Read Mga Bilang 1Mga Bilang 1
Compare Mga Bilang 1:1-12Mga Bilang 1:1-12