Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 19

Mga Bilang 19:8-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Dapat labhan ng taong sumunog sa dumalagang baka ang kaniyang mga damit at maligo sa tubig. Mananatili siyang marumi hanggang sa gabi.
9Dapat tipunin ng isang taong malinis ang mga abo ng dumalagang baka at ilagay ang mga ito sa labas ng kampo sa isang malinis na lugar. Dapat itago ang mga abong ito para sa sambayanan ng Israel. Ihahalo nila ang mga abo sa tubig para sa paglilinis mula sa pagkakasala, sapagkat ang mga abo ay galing sa isang handog para sa kasalanan.
10Ang isang taong tumipon sa mga abo ng dumalagang baka ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit. Mananatili siyang marumi hanggang sa gabi. Ito ay magiging palagiang batas para sa mga tao ng Israel at sa mga dayuhang naninirahan kasama nila.
11Sinuman ang humipo sa bangkay ng kahit na sinong tao ay magiging marumi sa loob ng pitong araw.
12Dapat linisin ng taong iyon ang kaniyang sarili sa ikatlong araw at sa ikapitong araw. At siya ay magiging malinis. Ngunit kung hindi niya nilinis ang kaniyang sarili sa ikatlong araw, hindi siya magiging malinis sa ikapitong araw.
13Sinumang humipo sa isang patay na tao, ang katawan ng taong namatay, at hindi niya nilinis ang kaniyang sarili—dinudungisan ng taong ito ang tabernakulo ni Yahweh. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa Israel dahil hindi naiwisik sa kaniya ang tubig para sa karumihan. Mananatili siyang marumi; mananatili sa kaniya ang kaniyang pagkamarumi.
14Ito ang batas kapag mamamatay ang isang tao sa loob ng isang tolda. Bawat taong papasok sa loob ng tolda at bawat isang nasa loob ng tolda ay magiging marumi sa loob ng pitong araw.
15Bawat nakabukas na lalagyan na walang takip ay magiging marumi.
16Katulad nang sinumang nasa labas ng tolda na humipo sa isang taong pinatay gamit ang isang espada, anumang bangkay, buto ng tao, o isang puntod—magiging marumi ang taong iyon sa loob ng pitong araw.
17Gawin ninyo ito sa taong marumi: Kumuha kayo ng kaunting abo mula sa sinunog na handog para sa kasalanan at ihalo ang mga ito sa isang banga na may sariwang tubig.

Read Mga Bilang 19Mga Bilang 19
Compare Mga Bilang 19:8-17Mga Bilang 19:8-17