Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 18

Mga Bilang 18:2-15

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Para sa kapwa mo miyembro ng tribu ni Levi, tribu ng iyong ninuno, dapat mo silang isama upang makasali sila sa iyo at tulungan ka kapag naglilingkod ka at ng iyong mga anak na lalaki sa harap ng toldang tipanan.
3Dapat silang maglingkod sa iyo at sa buong tolda. Gayunpaman, hindi sila dapat lumapit sa anumang bagay sa banal na lugar o may kaugnayan sa altar, o sila at ikaw rin ay mamamatay.
4Dapat silang sumali sa inyo at pangalagaan ang tolda ng pagpupulong, sa lahat ng gawain na may kaugnayan sa tolda. Hindi dapat lumapit sa inyo ang isang dayuhan.
5Dapat ninyong kunin ang tungkulin na ito nang sa gayon, hindi muling dumating ang aking galit sa mga tao ng Israel.
6Tingnan ninyo, ako mismo ang pumili sa inyong kapwa miyembro ng mga Levita mula sa mga kaapu-apuhan ng Israel. Sila ay isang regalo sa inyo, ibinigay sa akin para gawin ang gawaing may kaugnayan para sa tolda ng pagpupulong.
7Subalit ikaw lamang at ang iyong mga anak na lalaki ang maaaring gumanap ng pagkapari tungkol sa bawat bagay na may kaugnayan sa altar at sa bawat bagay na nasa loob ng kurtina. Ikaw mismo ang dapat gumawa sa mga tungkuling iyon. Ibinibigay ko sa iyo ang pagkapari bilang isang regalo. Bawat dayuhan na lalapit ay dapat malagay sa kamatayan.”
8Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Tingnan mo, ibinigay ko sa iyo ang tungkulin sa pag-iingat ng mga handog na itinaas sa akin, at lahat ng mga banal na handog na ibinigay sa akin ng mga tao ng Israel. Ibinigay ko ang mga handog na ito sa iyo, at sa iyong mga anak na lalaki bilang iyong patuloy na bahagi.
9Ang mga bagay na ito mula sa mga ganap na inialay na handog kay Yahweh, subalit ang hindi ganap na nasunog ay magiging sa iyo. Bawat alay na dinadala ng mga tao, kalakip ng bawat handog na butil, bawat handog para sa kasalanan, at bawat handog na pambayad para sa kasalanan—lahat nitong mga napakabanal na handog—na inilaan nila para sa akin at dinala sa akin ay magiging para sa iyo at para sa iyong mga anak na lalaki.
10Ito ay ganap na inilaan para sa akin, na dapat mong kainin ang mga handog na ito. Bawat lalaking kasama mo ay dapat kumain ng mga handog na ito. Dapat mo silang isaalang-alang bilang inilaan para sa akin.
11Ito ang mga handog na mapapabilang sa iyo: kanilang mga regalo na itinabi mula sa lahat ng itinaas na mga handog ng mga tao ng Israel, mga handog na tinaas nang mataas sa harap ko at dinala sa akin. Ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, sa iyong mga anak na lalaki, at sa iyong mga anak na babae, bilang iyong patuloy na bahagi. Bawat isang malinis sa pamamagitan ng ritwal sa iyong pamilya ay maaaring kumain ng kahit ano mula sa mga handog na ito.
12Lahat ng mainam na langis, lahat ng mainam na bagong alak at butil, ang unang mga prutas na ibinigay ng mga tao sa akin—lahat ng mga ito ay ibinibigay ko sa inyo.
13Ang lahat ng bungang unang hinog na nasa kanilang lupain, na dinala nila sa akin ay magiging sa inyo. Bawat isang malinis sa iyong pamilya ay maaaring kumain ng mga bagay na ito.
14Bawat bagay na inilaan sa Israel ay magiging sa iyo.
15Bawat bagay na nagpapabukas ng sinapupunan, lahat ng panganay na hinandog ng mga tao kay Yahweh, kapwa tao at hayop, magiging sa iyo. Gayunpaman, dapat tiyak na bilhin muli ng mga tao ang bawat panganay na anak na lalaki, at dapat nilang bilhin muli ang panganay na lalaki ng maruming mga hayop.

Read Mga Bilang 18Mga Bilang 18
Compare Mga Bilang 18:2-15Mga Bilang 18:2-15