Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 16

Mga Bilang 16:27-48

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
27Kaya ang sambayanan sa magkabilaan ay iniwan ang mga tolda nina Korah, Datan, at Abiram. Lumabas sila Datan at Abiram at tumayo sa pasukan ng kanilang mga tolda, kasama ng kanilang mga asawa, mga anak, at kanilang mga maliliit.
28At sinabi ni Moises, “Sa pamamagitan nito malalaman ninyong isinugo ako ni Yahweh upang gawin ang lahat ng mga gawaing ito, sapagkat hindi ko ginawa ang mga ito sa aking sariling pagsang-ayon.
29Kung mamamatay ang mga lalaking ito nang karaniwang kamatayan gaya ng karaniwang nangyayari, kung gayon hindi ako isinugo ni Yahweh.
30Ngunit kung gagawa si Yahweh ng isang butas sa lupa na lalamon sa kanila tulad ng isang malaking bibig, kasama ng kanilang mga pamilya, at kapag bababa sila ng buhay sa lugar ng mga patay ay dapat ninyong unawain na kinamuhian ng mga lalaking ito si Yahweh.
31Pagkatapos sabihin ni Moises ang lahat ng salitang ito, bumukas ang lupang sa ilalim ng mga lalaking ito.
32Ibinukas ng lupa ang bibig nito at nilamon sila, ang kanilang mga pamilya, at lahat ng mga taong nabibilang kay Korah, pati na rin ang kanilang mga ari-arian.
33Sila at ang lahat sa kanilang mga pamilya ay pumunta ng buhay sa lugar ng mga patay. Nagsara ang lupa sa ibabaw nila, at sa pamamagitan nito nalipol sila sa kalagitnaan ng sambayanan.
34Ang buong Israel na nakapalibot sa kanila ay tumakas mula sa kanilang hiyaw. Sinigaw nila, “Baka lamunin din tayo ng lupa!”
35Pagkatapos kumislap ang apoy mula kay Yahweh at nilamon ang 250 kalalakihan na naghandog ng insenso.
36Muling nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
37“Magsalita ka kay Eleazar na anak na lalaki ni Aaron na pari at sabihan siya na kunin ang mga insensaryo mula sa mga nagbabagang tira, sapagkat ang mga insensaryo ay idinulog sa akin. Pagkatapos, kailangan nilang ikalat ang mga baga.
38Kunin ang mga insensaryo sa mga namatay dahil sa kanilang mga kasalanan. Gawing minartilyong pingngan ang mga ito bilang isang takip sa ibabaw ng altar. Ang mga lalaking iyon ang naghandog ng mga ito sa harap ko, kaya naihandog sa akin ang mga ito. Magiging isang tanda ang mga ito ng aking presensya sa mga tao ng Israel.”
39Kinuha ni Eleazar na pari ang mga tansong insensaryo na ginamit ng mga lalaking nasunog, at ang mga ito ay minartilyo na maging isang takip para sa altar,
40upang maging isang paalala sa mga tao ng Israel, na ang mga nagmula lamang kay Aaron ang maaaring pumuntang magsunog ng insenso sa harap ni Yahweh, para hindi sila magiging katulad ni Korah at ng kaniyang pangkat—gaya ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
41Ngunit sa sumunod na umaga ang lahat ng sambayanan ng mga tao ng Israel ay nagreklamo laban kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Pinatay ninyo ang mga tao ni Yahweh.”
42At nangyari, nang nagkatipon ang sambayanan laban kina Moises at Aaron, na tumingin sila sa tolda ng pagpupulong at, tingnan mo, tinatakpan ito ng ulap. Nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh,
43at pumunta sina Moises at Aaron sa harapan ng tolda ng pagpupulong.
44Pagkatapos, nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
45“Lumayo ka mula sa harapan ng sambayanang ito upang malipol ko sila agad-agad.” Pagkatapos nagpatirapa sina Moises at Aaron.
46Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kunin ninyo ang insensaryo, lagyan ito ng apoy mula sa altar, lagyan ito ng insenso, dalhin agad ito sa sambayanan, at gumawa ng pambayad ng kasalanan para sa kanila, dahil ang galit ay paparating mula kay Yahweh. Nagsimula na ang salot.”
47Kaya ginawa ni Aaron ang gaya ng sinabi ni Moises. Tumakbo siya papunta sa gitna ng sambayanan. Mabilis na nagsimulang kumalat ang salot sa mga tao, kaya inilagay niya ang insenso at gumawa ng pambayad ng kasalanan para sa mga tao.
48Tumayo si Aaron sa pagitan ng mga patay at mga nabubuhay; sa pamamagitan nito natigil ang salot.

Read Mga Bilang 16Mga Bilang 16
Compare Mga Bilang 16:27-48Mga Bilang 16:27-48