Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 15

Mga Bilang 15:27-41

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
27Kung nagkakasala ang isang tao nang hindi sinasadya, dapat siyang maghandog ng isang babaeng kambing na isang taong gulang bilang handog para sa kaniyang kasalanan.
28Dapat maghandog ang pari ng pambayad ng kasalanan sa harapan ni Yahweh para sa taong nagkasala nang hindi sinasadya. Patatawarin ang taong iyon kapag maghandog ng pambayad ng kasalanan.
29Dapat magkaroon kayo ng parehong batas para sa isang nakagawa ng anumang bagay nang hindi sinasadya, ang parehong batas para sa taong katutubo sa mga tao ng Israel at para sa mga dayuhang naninirahan sa kanila.
30Ngunit ang taong nakagawa ng anumang bagay sa pagsuway, maging katutubo siya o isang dayuhan, nilalapastangan niya ako. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao.
31Dahil sinuway niya ang aking salita at nilabag ang aking utos, dapat itiwalag nang ganap ang taong iyon. Nasa kaniya ang kasalanan.”
32Habang nasa ilang ang mga tao ng Israel, nakasumpong sila ng isang lalaking namumulot ng kahoy sa araw ng Pamamahinga.
33Dinala siya ng mga taong nakakita sa kaniya kina Moises, Aaron, at sa buong sambayanan.
34Ibinilanggo nila siya dahil hindi pa naipahayag kung ano ang dapat gawin sa kaniya.
35Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dapat patayin ang lalaki. Dapat siyang batuhin ng buong sambayanan sa labas ng kampo.”
36Kaya dinala siya ng buong sambayanan sa labas ng kampo at pinagbababato siya hanggang mamatay gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
37Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
38“Magsalita ka sa mga kaapu-apuhan ng Israel at utusan silang gumawa ng mga palawit para sa kanilang mga sarili upang isabit mula sa mga dulo ng kanilang mga damit, upang isabit ang mga ito mula sa bawat dulo sa pamamagitan ng isang taling asul. Dapat nilang gawin ito sa kabuuan ng salinlahi ng kanilang mga tao.
39Magiging isang natatanging paalala ito sa inyo, kapag makita ninyo ito, sa lahat ng aking mga utos, upang tuparin ang mga ito para hindi ninyo sundin ang inyong sariling puso at sariling mga mata, na kung saan kumilos kayo dati tulad ng mga mangangalunya.
40Gawin ninyo ito upang maisaisip ninyo at masunod ang lahat kong utos, at upang maaari kayong maging banal, inilaan para sa akin, ang inyong Diyos.
41Ako si Yahweh ang inyong Diyos, na siyang naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, upang maging Diyos ninyo. Ako si Yahweh ang inyong Diyos.”

Read Mga Bilang 15Mga Bilang 15
Compare Mga Bilang 15:27-41Mga Bilang 15:27-41