Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 15

Mga Bilang 15:23-35

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
23lahat ng bagay na inutos ko sa inyo sa pamamagitan ni Moises mula sa araw na sinimulan kong bigyan kayo ng mga utos at hanggang sa buong salinlahi ng inyong mga tao.
24Patungkol sa hindi sinasadyang kasalanan na hindi alam ng buong sambayanan, dapat maghandog ang buong sambayanan ng isang batang toro bilang alay na susunugin upang magdulot ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Kalakip nito, dapat maghandog ng isang handog na butil at inuming handog, ayon sa iniutos ng batas, at isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan.
25Dapat gumawa ang pari ng pagbabayad ng kasalanan para sa lahat ng sambayanan ng Israel. Patatawarin sila dahil ang kasalanan ay isang pagkakamali. Dinala nila ang kanilang alay, ang isang handog para sa akin na pinaraan sa apoy. Dinala nila ang kanilang handog para sa kasalanan sa aking harapan para sa kanilang pagkakamali.
26At patatawarin ang lahat ng sambayanan ng Israel, at ang mga dayuhang naninirahan kasama nila, dahil nagkasala ang lahat ng tao nang hindi sinasadya.
27Kung nagkakasala ang isang tao nang hindi sinasadya, dapat siyang maghandog ng isang babaeng kambing na isang taong gulang bilang handog para sa kaniyang kasalanan.
28Dapat maghandog ang pari ng pambayad ng kasalanan sa harapan ni Yahweh para sa taong nagkasala nang hindi sinasadya. Patatawarin ang taong iyon kapag maghandog ng pambayad ng kasalanan.
29Dapat magkaroon kayo ng parehong batas para sa isang nakagawa ng anumang bagay nang hindi sinasadya, ang parehong batas para sa taong katutubo sa mga tao ng Israel at para sa mga dayuhang naninirahan sa kanila.
30Ngunit ang taong nakagawa ng anumang bagay sa pagsuway, maging katutubo siya o isang dayuhan, nilalapastangan niya ako. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao.
31Dahil sinuway niya ang aking salita at nilabag ang aking utos, dapat itiwalag nang ganap ang taong iyon. Nasa kaniya ang kasalanan.”
32Habang nasa ilang ang mga tao ng Israel, nakasumpong sila ng isang lalaking namumulot ng kahoy sa araw ng Pamamahinga.
33Dinala siya ng mga taong nakakita sa kaniya kina Moises, Aaron, at sa buong sambayanan.
34Ibinilanggo nila siya dahil hindi pa naipahayag kung ano ang dapat gawin sa kaniya.
35Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dapat patayin ang lalaki. Dapat siyang batuhin ng buong sambayanan sa labas ng kampo.”

Read Mga Bilang 15Mga Bilang 15
Compare Mga Bilang 15:23-35Mga Bilang 15:23-35