Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 15

Mga Bilang 15:1-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Pagkatapos, nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
2“Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Kapag pumasok kayo sa lupain kung saan kayo maninirahan, na ibibigay ni Yahweh sa inyo—
3at kapag maghandog kayo ng isang handog sa pamamagitan ng apoy para sa kaniya—maging isang alay na susunugin, o isang alay para sa isang panata o isang kusang handog, o isang handog sa inyong mga pagdiriwang, upang magdulot ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh mula sa kawan o pangkat ng hayop—
4dapat maghandog kay Yahweh ang isang taong nagdadala ng alay ng isang handog na butil ng ikasampu na epa ng pinong harinang hinaluan ng ikaapat na hin ng langis.
5Dapat din kayong maghanda ng ikaapat na hin ng alak bilang inuming handog. Gawin ninyo ito kasama ang alay na susunugin o kasama ang alay ng bawat batang tupa.
6Kung maghahandog kayo ng isang lalaking tupa, dapat kayong maghanda ng isang handog na butil ng dalawang ikasampu ng isang epa ng pinong harinang hinaluan ng ikatatlo ng isang hin ng langis bilang handog.
7Para sa inuming handog, dapat kayong maghandog ng ikatlo ng isang hin ng alak. Magdudulot ito ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh.
8Kapag maghanda kayo ng isang toro bilang alay na susunugin o bilang isang alay upang tuparin ang isang panata, o alay para sa pagtitipon-tipon kay Yahweh,
9sa gayon dapat kayong maghandog kasama ng toro ang isang handog na butil ng tatlong ikasampu ng isang epa ng pinong harinang hinaluan ng kalahating hin ng langis.
10Dapat kayong maghandog bilang inuming handog ng kalahating hin ng alak, bilang isang handog na pinaraan sa apoy, upang magdulot ng mabangong halimuyak para kay Yahweh.
11Dapat mangyari ito sa ganitong paraan para sa bawat toro, para sa bawat lalaking tupa, at para sa bawat lalaking batang mga tupa o mga batang kambing.
12Ang bawat alay na inyong ihahanda at ihahandog ay dapat ninyong gawin ayon sa inilarawan dito.
13Dapat gawin ng lahat ng katutubong Israelita ang mga bagay na ito sa ganitong paraan, kapag nagdadala ang sinuman ng isang handog na pinaraan sa apoy, upang magdulot ng mabangong halimuyak na kalugud-lugod kay Yahweh.
14Kung naninirahan ang isang dayuhan kasama ninyo, o sinumang nakikitira sa inyo sa buong salinlahi ng inyong mga tao, dapat siyang maghandog ng isang handog na pinaraan sa apoy, upang magdulot ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat siyang kumilos gaya ng inyong pagkilos.
15Dapat may parehong batas lamang para sa sambayanan at para sa dayuhang nakikitira sa inyo, isang palagiang batas sa buong salinlahi ng inyong mga tao. Kung ano kayo, gayundin dapat ang mga manlalakbay na naninirahan kasama ninyo. Dapat siyang kumilos gaya ng inyong pagkilos sa harapan ni Yahweh.
16Ang parehong batas at kautusan ang dapat masunod sa inyo at sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.”'
17Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
18“Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa lupain kung saan ko kayo dadalhin,
19kapag kakainin ninyo ang pagkaing nagmula sa lupain, dapat kayong maghandog ng isang handog at idulog ito sa akin.
20Mula sa una ng inyong masang harina, dapat kayong maghandog ng isang tinapay upang itaas ito bilang isang itinaas na handog mula sa giikang palapag. Dapat ninyong itaas ito sa ganitong paraan.
21Dapat kayong magbigay sa akin ng isang itinaas na handog sa buong salinlahi ng inyong mga tao mula sa una ng inyong masang harina.
22Minsan magkakasala kayo nang hindi sinasadya, kapag hindi ninyo sinunod ang lahat ng utos na ito na sinabi ko kay Moises—
23lahat ng bagay na inutos ko sa inyo sa pamamagitan ni Moises mula sa araw na sinimulan kong bigyan kayo ng mga utos at hanggang sa buong salinlahi ng inyong mga tao.

Read Mga Bilang 15Mga Bilang 15
Compare Mga Bilang 15:1-23Mga Bilang 15:1-23