Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 13

Mga Bilang 13:2-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2“Magpadala ka ng ilang kalalakihan upang suriin ang lupain ng Canaan na aking ibinigay sa mga tao ng Israel. Magpadala ka ng isang lalaki mula sa bawat tribu ng kanilang mga ninuno. Dapat pinuno ang bawat lalaki sa kanilang mga grupo.”
3Ipinadala sila ni Moises mula sa ilang ng Paran, upang masunod nila ang utos ni Yahweh. Lahat sila ay mga pinuno sa mga tao ng Israel.
4Ito ang kanilang mga pangalan: mula sa tribu ni Ruben, Sammua na lalaking anak ni Zaccur.
5Mula sa tribu ni Simeon, si Safat na lalaking anak ni Hori.
6Mula sa tribu ni Juda, si Caleb na lalaking anak ni Jefune.
7Mula sa tribu ni Isacar, si Igal na lalaking anak ni Jose.
8Mula sa tribu ni Efraim, si Hosea na lalaking anak ni Nun.
9Mula sa tribu ni Benjamin, si Palti na lalaking anak ni Rafu.
10Mula sa tribu ni Zebulon, Gadiel na lalaking anak ni Sodi.
11Mula sa mga kaapu-apuhan ni Jose na nagngangalang: Gaddi na anak ni Susi mula sa tribu ni Manases,
12Mula sa tribu ni Dan, si Ammiel na lalaking anak ni Gemalli.
13Mula sa tribu ni Aser, si Setur na lalaking anak ni Micael.

Read Mga Bilang 13Mga Bilang 13
Compare Mga Bilang 13:2-13Mga Bilang 13:2-13