Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 13

Mga Bilang 13:18-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
18Suriin ninyo ang lupain upang makita kung ano ang katulad nito. Matiyagan ninyo ang mga taong nakatira roon, kung malakas o mahihina sila, at kung kaunti o marami sila.
19Tingnan kung anong uri ng lupain ang kanilang tinitirhan. Ito ba ay maganda o hindi? Anong klase ng mga lungsod ang naroon? Tulad ba ito ng mga kampo o ang mga ito ba ay pinatibay na lungsod?
20Tingnan kung anong uri ng lupa, kung ito ba ay mainam para sa pagpapalago ng pananim o hindi, at kung may mga puno roon o wala. Maging matapang at mag-uwi kayo ng mga bunga ng lupa.” Ngayon ay panahon para sa mga unang hinog na ubas.
21Kaya umakyat ang mga kalalakihan at sinuri ang lupain mula sa ilang ng Sin hanggang Rehob, malapit sa Lebo Hamat.
22Umakyat sila mula sa Negev at dumating sa Hebron. Naroon ang mga Ahiman, Sesai, at Talmai, mga angkan na nagmula kay Anak. Ngayon, ang Hebron ay itinayo, pitong taon na bago ang Zoan sa Ehipto.
23Nang dumating sila sa lambak ng Escol, pumutol sila ng isang sangang may kumpol ng ubas. Pinasan nila ito sa isang tungkod sa pagitan ng dalawa sa kanilang pangkat. Nagdala rin sila ng mga bunga ng granada at igos.

Read Mga Bilang 13Mga Bilang 13
Compare Mga Bilang 13:18-23Mga Bilang 13:18-23