Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 13

Mga Bilang 13:13-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Mula sa tribu ni Aser, si Setur na lalaking anak ni Micael.
14Mula sa tribu ni Neftali, si Nahabi na lalaking anak ni Vapsi.
15Mula sa tribu ni Gad, si Geuel na lalaking anak ni Maki.
16Ito ang mga pangalan ng mga lalaking ipinadala ni Moises upang suriin ang lupain. Tinawag ni Moises si Hosea na lalaking anak ni Nun sa pangalang Josue.
17Ipinadala sila ni Moises upang suriin ang lupain ng Canaan. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa Negev at umakyat kayo sa maburol na lugar.
18Suriin ninyo ang lupain upang makita kung ano ang katulad nito. Matiyagan ninyo ang mga taong nakatira roon, kung malakas o mahihina sila, at kung kaunti o marami sila.
19Tingnan kung anong uri ng lupain ang kanilang tinitirhan. Ito ba ay maganda o hindi? Anong klase ng mga lungsod ang naroon? Tulad ba ito ng mga kampo o ang mga ito ba ay pinatibay na lungsod?
20Tingnan kung anong uri ng lupa, kung ito ba ay mainam para sa pagpapalago ng pananim o hindi, at kung may mga puno roon o wala. Maging matapang at mag-uwi kayo ng mga bunga ng lupa.” Ngayon ay panahon para sa mga unang hinog na ubas.
21Kaya umakyat ang mga kalalakihan at sinuri ang lupain mula sa ilang ng Sin hanggang Rehob, malapit sa Lebo Hamat.

Read Mga Bilang 13Mga Bilang 13
Compare Mga Bilang 13:13-21Mga Bilang 13:13-21