Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 12

Mga Bilang 12:5-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Pagkatapos, bumaba si Yahweh sa isang haligi ng ulap. Tumayo siya sa pasukan ng tolda at tinawag sina Aaron at Miriam. Kapwa sila lumapit.
6Sinabi ni Yahweh, “Ngayon makinig kayo sa aking mga salita. Kapag kasama ninyo ang aking propeta, inihahayag ko ang aking sarili sa kaniya sa mga pangitain at nagsasalita ako sa kaniya sa mga panaginip.
7Hindi ganyan ang aking lingkod na si Moises. Matapat siya sa lahat ng aking sambahayan.
8Tuwiran akong nagsasalita kay Moises, hindi sa pamamagitan ng mga pangitain o mga bugtong. Nakikita niya ang aking anyo. Kaya bakit hindi kayo takot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?”
9Nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa kanila at iniwan niya sila.
10Pumaitaas ang ulap mula sa ibabaw ng tolda, at biglang naging ketongin si Miriam—pumuti siya kagaya ng niyebe. Nang lumingon si Aaron kay Miriam, nakita niya na nagkaroon siya ng ketong.

Read Mga Bilang 12Mga Bilang 12
Compare Mga Bilang 12:5-10Mga Bilang 12:5-10