Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 12

Mga Bilang 12:3-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Ngayon ang lalaking si Moises ay lubos na mapagpakumbaba, higit pa sa sinuman sa mundo.
4Agad-agad nagsalita si Yahweh kay Moises, Aaron at Miriam: “Lumabas kayong tatlo, sa tolda ng pagpupulong.” Kaya lumabas silang tatlo.
5Pagkatapos, bumaba si Yahweh sa isang haligi ng ulap. Tumayo siya sa pasukan ng tolda at tinawag sina Aaron at Miriam. Kapwa sila lumapit.
6Sinabi ni Yahweh, “Ngayon makinig kayo sa aking mga salita. Kapag kasama ninyo ang aking propeta, inihahayag ko ang aking sarili sa kaniya sa mga pangitain at nagsasalita ako sa kaniya sa mga panaginip.
7Hindi ganyan ang aking lingkod na si Moises. Matapat siya sa lahat ng aking sambahayan.
8Tuwiran akong nagsasalita kay Moises, hindi sa pamamagitan ng mga pangitain o mga bugtong. Nakikita niya ang aking anyo. Kaya bakit hindi kayo takot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?”

Read Mga Bilang 12Mga Bilang 12
Compare Mga Bilang 12:3-8Mga Bilang 12:3-8