Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 11

Mga Bilang 11:24-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
24Lumabas si Moises sa tolda at sinabi niya sa mga tao ang mga salita ni Yahweh. Tinipon niya ang pitumpu sa mga nakakatanda ng mga tao at pumalibot sila sa tolda.
25Bumaba si Yahweh sa ulap at nagsalita kay Moises. Kinuha ni Yahweh ang ilan sa Espiritu na naroon kay Moises at nilagay ito sa pitumpung nakakatanda. Nang tumahan ang Espiritu sa kanila, nagpahayag sila, ngunit sa pagkakataong iyon lamang at hindi na naulit pa.
26Dalawang lalaking nagngangalang Eldab at Medad ang naiwan sa kampo. Tumahan din sa kanila ang Espiritu. Nakasulat ang kanilang pangalan sa listahan, ngunit hindi sila lumabas sa tolda. Gayon pa man, nagpahayag sila sa kampo.
27Isang binatang nasa kampo ang tumakbo at sinabi kay Moises, “Sina Eldad at Medad ay nagpapahayag sa kampo.”
28Si Josue na lalaking anak ni Nun, ang tagapangasiwa ni Moises, ang isa sa mga lalaking pinili ang nagsabi kay Moises, “Aking among Moises, pigilan mo sila.”
29Sinabi ni Moises sa kaniya, “Naninibugho ka ba para sa kapakanan ko? Nais kong lahat ng tao ni Yahweh ay mga propeta at ilagay niya ang kaniyang Espiritu sa kanilang lahat!''
30At bumalik sa kampo si Moises at ang mga nakakatanda ng Israel.
31Pagkatapos, isang hangin ang dumating mula kay Yahweh at nagdala ng pugo mula sa dagat. Bumagsak ang mga ito malapit sa kampo, na may isang araw na paglalakbay sa isang dako at isang araw na paglalakbay sa kabilang dako. Pumalibot ang mga pugo sa kampo na may dalawang siko ang taas mula sa lupa.
32Ang mga tao ay abala sa paghuhuli sa mga pugo ng buong araw, buong gabi, at sa sumunod na araw. Walang nanghuli ng mas kaunti sa sampung homer ng pugo. Ibinahagi nila ang mga pugo sa buong kampo.
33Habang nasa pagitan pa ng kanilang ngipin ang karne, habang nginunguya nila ito, nagalit si Yahweh sa kanila. Pinadalhan niya ang mga tao ng isang napakatinding sakit.
34Pinangalanan ang lugar na iyon na Kibrot-hataava dahil doon nila inilibing ang mga taong nanabik sa karne.

Read Mga Bilang 11Mga Bilang 11
Compare Mga Bilang 11:24-34Mga Bilang 11:24-34