Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 11

Mga Bilang 11:19-24

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
19Hindi lamang kayo kakain ng karne sa loob ng isang araw, sa dalawang araw, sa limang araw, sa sampung araw, o sa dalawampung araw,
20ngunit kakain kayo ng karne sa loob ng buong isang buwan hanggang sa ito ay lumabas sa inyong mga ilong. Ito ang magpapadiri sa inyo dahil itinakwil ninyo si Yahweh, na siyang kasama ninyo. Umiyak kayo sa kaniyang harapan. Sinabi ninyo, “Bakit pa natin iniwan ang Ehipto?''''''
21Pagkatapos sinabi ni Moises, “Kasama ko ang 600, 000 na katao, at sinabi mo, 'Bibigyan ko sila ng karne sa loob ng isang buong buwan.'
22Papatay ba kami ng kawan ng mga tupa at kawan ng mga baka upang magkasya sa kanila? Huhulihin ba namin ang lahat ng isda sa karagatan upang magkasya sa kanila?''
23Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Maiksi ba ang kamay ko? Ngayon makikita mo kung totoo ang aking salita.''
24Lumabas si Moises sa tolda at sinabi niya sa mga tao ang mga salita ni Yahweh. Tinipon niya ang pitumpu sa mga nakakatanda ng mga tao at pumalibot sila sa tolda.

Read Mga Bilang 11Mga Bilang 11
Compare Mga Bilang 11:19-24Mga Bilang 11:19-24