Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 11

Mga Bilang 11:1-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ngayon nagreklamo ang mga tao tungkol sa kanilang mga kabalisahan habang nakikinig si Yahweh. Narinig ni Yahweh ang mga tao at nagalit. Nagliyab sa kanila ang apoy na mula kay Yahweh at tinupok ang ilang bahagi ng kampo sa mga gilid nito.
2Pagkatapos tumawag ang mga tao kay Moises, kaya nanalangin si Moises kay Yahweh, at huminto ang apoy.
3Pinangalanan ang lugar na iyon na Tabera, sapagkat nagliyab ang apoy ni Yahweh sa kanila.
4Ilang dayuhan ang nagsimulang magkampo kasama ang mga kaapu-apuhan ng Israel. Gusto nilang kumain ng masasarap na pagkain. Pagkatapos nagsimulang umiyak ang mga tao ng Israel at sinabi, “Sino ang magbibigay sa atin ng karne na kakainin?
5Naaalala namin ang isda na kinain namin nang libre sa Ehipto, ang mga pipino, mga pakwan, mga dahon ng sibuyas o lasuna, ang mga sibuyas, at bawang.
6Ngayon nanghihina kami. Wala kaming makitang makakain kundi manna.”
7Ang manna ay kahalintulad ng buto ng kulantro. Ito ay parang dagta.
8Ang mga tao ay naglalakad sa paligid at tinitipon ito. Ginigiling nila ito sa mga gilingan, binabayo ito sa mga bayuhan, pinakukuluan ito sa mga palayok, at ginagawang keyk. Ang lasa nito ay parang sariwang langis ng olibo.
9Kapag bumaba ang hamog sa kampo sa gabi, bumabagsak din ang manna.

Read Mga Bilang 11Mga Bilang 11
Compare Mga Bilang 11:1-9Mga Bilang 11:1-9