Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 99

Mga Awit 99:1-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Naghahari si Yahweh; hayaang manginig ang mga bansa. Siya ay nakaluklok sa itaas ng mga kerubin; ang daigdig ay yumayanig.
2Si Yahweh ay dakila sa Sion; itinataas siya sa lahat ng mga bansa.
3Hayaan mong purihin nila ang iyong dakila at kahanga-hangang pangalan; siya ay banal.
4Ang hari ay malakas, at minamahal niya ang katarungan. Itinatag mo ang pagkakapantay-pantay; nilikha mo ang makatarungang pamamahala kay Jacob.
5Purihin si Yahweh ang ating Diyos at sambahin siya sa kanyang tuntungan. Siya ay banal.
6Sina Moises at Aaron ay kabilang sa kanyang mga pari, at si Samuel ay kabilang sa mga nanalangin sa kanya. Nanalangin sila kay Yahweh, at sinagot niya sila.
7Kinausap niya sila mula sa haliging ulap. Iningatan nila ang kanyang tapat na mga kautusan at mga batas na ibinigay sa kanila.
8Sinagot mo sila, Yahweh na aming Diyos. Ikaw ang Diyos na nagpatawad sa kanila, kahit na pinarusahan mo ang kanilang mga kasalanan.
9Purihin si Yahweh ang ating Diyos, at sambahin siya sa kanyang banal na burol, dahil si Yahweh ang ating Diyos na banal.

Read Mga Awit 99Mga Awit 99
Compare Mga Awit 99:1-9Mga Awit 99:1-9