Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 97

Mga Awit 97:2-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Pumapalibot sa kanya ang mga ulap at kadiliman. Katuwiran at katarungan ang saligan ng kanyang trono.
3Ang apoy ang nasa kanyang unahan at tumutupok sa kanyang mga kaaway sa lahat ng dako.
4Ang kanyang kidlat ang lumiliwanag sa mundo; nakikita ng daigdig at nayayanig.
5Ang mga bundok ay natutunaw gaya ng kandila sa harapan ni Yahweh, ang Panginoon ng buong daigdig.
6Ipinapahayag ng kalangitan ang kanyang katarungan, at nakikita ng lahat ng mga bansa ang kanyang kaluwalhatian.
7Ang lahat ng sumasamba sa mga inukit na bagay ay mapapahiya, ang mga nagyayabang sa mga walang katuturang mga diyos-diyosan— yumukod kayo sa kanya, kayong lahat na mga diyos!
8Narinig ng Sion at natuwa, at ang mga bayan ng Juda ay nagalak dahil sa iyong matuwid na mga kautusan, Yahweh.
9Dahil ikaw, Yahweh, ay kataas-taasan sa buong daigdig. Ikaw ay dinadakila higit sa lahat ng mga diyos.
10Kayong mga nagmamahal kay Yahweh, kamuhian ninyo ang masama! Ipinagtatanggol niya ang buhay ng kanyang mga banal at inililigtas niya sila sa kamay ng mga masasama.
11Ang liwanag ay itinatanim para sa mga matuwid at katuwaan para sa mga may matapat na puso.

Read Mga Awit 97Mga Awit 97
Compare Mga Awit 97:2-11Mga Awit 97:2-11