Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 96

Mga Awit 96:1-6

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1O, umawit kay Yahweh ng isang bagong awitin; umawit kay Yahweh, buong daigdig.
2Umawit kay Yahweh, purihin ang kanyang pangalan; ipahayag ang kanyang kaligtasan araw-araw.
3Ipahayag ang kanyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, ang kanyang kahanga-hangang mga gawa sa gitna ng lahat ng mga bansa.
4Dahil si Yahweh ay dakila at marapat siyang papurihan ng lubos. Dapat siyang katakutan higit sa lahat ng ibang mga diyos.
5Dahil lahat ng mga diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan, pero si Yahweh ang lumikha ng kalangitan.
6Kaningningan at kamahalan ang nasa kanyang presensiya. Kalakasan at kagandahan ang nasa kanyang santuwaryo.

Read Mga Awit 96Mga Awit 96
Compare Mga Awit 96:1-6Mga Awit 96:1-6