Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 90

Mga Awit 90:1-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ika-apat na aklat. Isang panalangin ni Moises ang lingkod ng Diyos. Panginoon, ikaw ang aming kublihan sa mga nakalipas na mga salinlahi.
2Bago nahubog ang mga bundok, o hinubog mo ang lupa at ang mundo, hanggang sa habang panahon, ikaw ay Diyos.
3Binabalik mo sa alabok ang tao, at sinasabi mo, “Bumalik ka, ikaw na lahi ng tao.”
4Dahil ang isang libong taon ay parang kahapon na lumipas, na tulad ng hudyat sa gabi.
5Tinatangay mo sila tulad ng baha at nakakatulog sila; sa umaga ay tulad sila ng sumisibol na damo.
6Sa umaga ito ay namumulaklak at tumutubo; sa gabi ito ay nalalanta at natutuyot.
7Tunay nga na nilalamon kami ng iyong galit, at sa iyong poot kami ay lubhang natatakot.
8Nilagay mo ang mga kasalanan namin sa iyong harapan, ang aming mga nakatagong kasalanan sa liwanag ng iyong presensiya.

Read Mga Awit 90Mga Awit 90
Compare Mga Awit 90:1-8Mga Awit 90:1-8