1Ika-apat na aklat. Isang panalangin ni Moises ang lingkod ng Diyos. Panginoon, ikaw ang aming kublihan sa mga nakalipas na mga salinlahi.
2Bago nahubog ang mga bundok, o hinubog mo ang lupa at ang mundo, hanggang sa habang panahon, ikaw ay Diyos.
3Binabalik mo sa alabok ang tao, at sinasabi mo, “Bumalik ka, ikaw na lahi ng tao.”
4Dahil ang isang libong taon ay parang kahapon na lumipas, na tulad ng hudyat sa gabi.