Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 88

Mga Awit 88:3-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Dahil puno ako ng mga kaguluhan, at umabot na ang buhay ko sa Sheol.
4Tinuturing ako ng mga tao na gaya ng mga bumababa sa hukay; ako ay isang taong walang lakas.
5Iniwan ako sa gitna ng mga patay; katulad ako ng mga patay na nakahimlay sa libingan, na wala ka nang pakialam dahil naalis na sila mula sa iyong kapangyarihan.
6Inilagak mo ako sa pinakamalalim na bahagi ng hukay, sa madilim at malalim na mga lugar.
7Nakadagan sa akin ang bigat ng iyong poot, at lahat ng iyong mga alon ay humahampas sa akin. Selah
8Dahil sa iyo, iniiwasan ako ng mga kasama ko. Ginawa mo akong katakot-takot na tanawin sa kanila. Nakagapos ako at hindi ako makatakas.
9Namamaga ang mga mata ko dahil sa pighati; Buong araw akong tumatawag sa iyo, Yahweh; inuunat ko ang aking mga kamay sa iyo.

Read Mga Awit 88Mga Awit 88
Compare Mga Awit 88:3-9Mga Awit 88:3-9