Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 88

Mga Awit 88:10-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
10Gagawa ka ba ng mga himala para sa patay? Babangon ba ulit silang mga namatay para papurihan ka? Selah
11Maihahayag ba sa libingan ang iyong katapatan sa tipan, ang iyong pagiging tapat sa lugar ng mga patay?
12Malalaman ba ang kamangha-mangha mong mga ginawa sa kadiliman, o ang iyong katuwiran sa lugar ng pagkamakalimutin?
13Pero dumadaing ako sa iyo, Yahweh; sa umaga ay idinudulog ko sa iyong harapan ang aking mga panalangin.
14Yahweh, bakit mo ako tinatanggihan? Bakit mo tinatago ang iyong mukha mula sa akin?
15Matagal na akong naghihirap at nasa bingit na ng kamatayan simula pa nang aking kabataan. Nagdusa na ako sa labis mong galit; wala na akong magagawa.
16Dinaanan na ako ng iyong galit, at pinuksa ako ng katakot-takot mong mga gawain.

Read Mga Awit 88Mga Awit 88
Compare Mga Awit 88:10-16Mga Awit 88:10-16